Isang guro nag ala-zumba instructor dahil idinaan sa sayawan ang pagpasok ng kanyang mga estudyante sa classroom

Kakaiba talaga kapag may passion tayo sa ginagawa dahil hindi lamang pansariling kasiyahan ang ating naaani kung hindi ay nakakapagbigay din tayo ng good vibes sa mga taong nasa ating paligid at isa sa mabuting example nito ay ang guro na si Sir Jeric Maribao na sinisigurado lang naman na talagang gaganahan ang kanyang mga estudyante na pumasok sa paaralan dahil sa kanyang bawat paandar at pasabog.

Credit: Jerics Channel Facebook

Hindi lamang simpleng pagtuturo sa mga estudyante ang tanging trabaho ng mga guro dahil madalas din silang natatambakan ng maraming paperworks kaya kinakailangan talaga ng malaking energy para makapagbigay ng pasabog sa kanilang klase pero kahit na’y pagod sa kanyang ginagawa, priority naman ni Sir Jeric Maribao na aliwin ang kanyang mga estudyante para mas ganahan pa umano sila sa pag-aaral.

Sa video na ibinahagi ni Sir Jerics sa kanyang Facebook page nito lamang Sabado, mapapanood na hindi lamang simpleng pagpasok sa kanyang silid-aralan ang ginawa ng kanyang mga estudyante dahil nakaabang lang naman siya sa doorstep at sinasalubong ng sayaw ang bawat isa sa kanila.

Credit: Jerics Channel Facebook

Dahil sa energy at pangmalakasang effort ni Sir Jerics, tila’y mas ginaganahan naman ang kanyang mga estudyante na sumabay din sa pa-zumba ng kanilang guro.

Of course, dahil sa pagbabalik sa effort ng kanyang students, may reward si Sir Jerics sa kanila at ito ay ang libreng pagkain at drinks dahilan kung bakit sobrang energized ang lahat para sa pagsabak nila sa kanilang panibagong lesson.

Credit: Jerics Channel Facebook

Ayon kay Sir Jerics, kaya umano grabe ang effort na ibinibigay niya upang mapasaya ang kanyang students dahil nais niya na mabigyan o madagdagan ang motivation ng mga ito sa pagpasok sa paaralan at upang mas ganado ang bawat isa sa kanyang mga estudyante na makinig sa kanyang discussions.

Hindi talaga easy ang trabaho ng isang guro dahil kahit na’y tambak na sila sa kanilang mga gawain, responsible rin sila na turuan ng maayos ang bawat isa sa kanilang mga estudyante kaya isa talaga silang tunay na bayani na humuhubog sa future ng bawat bata.