Isang lalaki na nagsauli ng sobrang perang nakuha sa ATM, kinabiliban dahil sa kanyang katapatan

Tunay nga na nakakasilaw ang pera pero may mga tao pa rin talaga na tila’y nananatiling resistant nito katulad na lamang ng isang lalaki na pinabilib lang naman ang netizens dahil sa kanyang pambihirang katapatan.

Credit: TJ Tenedero Facebook

Sa panahon ngayon, hindi na talaga biro ang pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin kaya todo kayod talaga ang lahat para lamang matustusan ang bawat pangangailangan ng sarili at ng pamilya. Sa sitwasyon ngayon, importante talaga na i-grab lahat ng opportunities pero maaari ba na ituring na isang opportunity ang pagpunta ng isang ligaw na pera sa iyong mga kamay?

Kung para sa iilan ay isang malaking pagkakataon na makatanggap ng malaking halaga sa hindi malamang dahilan, tila’y isa naman itong nakakatakang pangyayari para sa isang lalaki sa Los Baños na si TJ Tenedero dahil imbes na masilaw sa pera na kanyang natanggap, mas pinili pa rin niyang gawin ang tama at nakabubuti.

Ayon sa kuwento ni Tenedero, nag-withdraw lang umano siya ng 900 pesos sa kanyang ATM nang bigla na lamang siyang nagulat nang napansin niyang lagpas pa sa perang nais niyang i-withdraw ang kanyang natanggap dahil umabot lang naman ito ng 4,500 pesos!

Sa pagbibiro pa ni Tenedero, “Yung 900 lang winidraw mo sa Landbank pero ito nilabas na pera. Ang aga magpapasko ng atm. Hahaha.”

Credit: TJ Tenedero Facebook

Sa nasabi niyang post sa Facebook, makikitang ibinahagi niya ang larawan ng 4500 na perang inilabas ng ATM imbes na 900 lamang.

Bagama’t malaking pera man ang kanyang natanggap, mas pinili naman ni Tenedero na manatiling tapat at kaagad na isinauli ang sobrang pera sa banko nang walang pag-aalinlangan.

Dahil sa ipinakitang katapatan ni Tenedero, kaagad niyang naagaw ang atensyon ng netizens dahil tunay nga naman kasing bibihira sa panahon ngayon na may mga tao pa na may lakas ng loob na magsauli ng ligaw na pera.

“Ang honest. On my end, parati ako nababawasan jan, ilang beses na.. huhu!”

Credit: TJ Tenedero Facebook

“Wow! Tapat!🌟✨🌟✨🌟✨”

“Saludo talaga sa’yo, bro!!”

“Wow, good job!”

Kung iisipin, sobra-sobra talaga ang perang natanggap ni Tenedero dahil sa 900 niyang winithdraw, 3600 pesos lang naman ang nadagdag nito kaya mahirap talaga na basta-basta na lamang itong isauli pero dahil isa siyang matapat na Pinoy, mas pinili niya ang tama at ang nakabubuti.