Isang Magna Cum Laude, inialay ang parangal sa kanyang amang araw-araw na nagpepedicab para mapagtapos siya sa pag-aaral

Maraming mga magulang ang patuloy na nagsisikap para lamang matulungan ang kanilang mga anak na makatapos ng kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

Isa na rito ay si Tatay Renato Ramos mula sa Bicol na sinusuong ang matinding init at ulan bilang isang pedicab driver para lang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak na si Sandra Estefani Ramos sa kolehiyo.

Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Tatay Renato dahil sinuklian ito ni Sandra ng sipag at determinasyon sa pag-aaral na siyang dahilan kung bakit hindi lamang siya simpleng nagtapos sa kursong Bachelor in Secondary Education sa Bicol State College of Applied Science and Technology kundi nakatanggap din siya ng pinakamataas na parangal.

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

Kaya naman taos-pusong inialay ni Sandra ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude sa kanyang ama na matiyagang nagpapadyak araw-araw mapagtapos lamang siya ng pag-aaral.

Ayon naman kay Sandra, naniniwala siyang marami pang mas matalinong estudyante kaysa sa kanya. Ngunit sa kabila nito nakapagtapos umano siya ng Magna Cum Laude dahil ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya habang nag-aaral.

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

At kahit hindi niya alam kung paano niya nakamit ang kanyang natamong parangal, sinabi niyang alam niya kung sino ang mga taong naging inspirasyon niya para maging Magna Cum Laude. Nangunguna nga rito ang kanyang mga magulang.

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

Pag-amin pa ni Sandra, “Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko na-achieve itong award. Kahit na alam kong may iba pang estudyanteng mas matatalino kaysa sa akin,I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reasons why I became Magna Cum Laude.”

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

Talaga namang pinatunayan nina Sandra at Tatay Renato ang kasabihan na kapag tayo ay may itinanim ay tiyak sa pagdating ng panahon ay mayroon tayong aanihin.

Credit: Sandra Estefani Ramos Facebook

Sa kaso nga nina Sandra at Tatay Renato, kasipagan at tiyaga ang kanilang itinanim kaya naman ngayon magkasabay nilang inaani ang bunga ng mga ito na walang iba kundi ay ang pagkamit nila sa kanilang pangarap.