Isang matandang lalaking pinagtabuyan dahil sa kanyang suot, bumili ng bagong sasakyan sa kalapit na car shop

Hindi talaga natin tunay na makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng isang simpleng tingin sa kanilang pisikal na anyo o choice ng damit kaya huwag talaga tayong kaagad na manghusga ng kapwa lalo na kapag ikaw ay isang negosyante.

Marahil ay may perceived na standard tayo pagdating sa customers ngunit mag-ingat dahil minsan, mapaglinlang ang pisikal na appearace katulad na lamang ng kuwentong ibinahagi ng isang sales agent na viral ngayon sa Facebook.

Credit: Love Dorego Facebook

Sa makabuluhang post na ibinahagi ni Love Dorego sa Facebook nito lamang, ikinuwento niya ang naging karanasan ng isang matandang lalaki bago ito nakabili ng sasakyan sa pinagtatrabahuan niyang kompanya. Ayon sa sales agent, hindi umano pinapasok at tinanggihan umano si “Tatay Manuel” sa una nitong pinuntahan na showroom simple dahil sa kanyang look kung saan ay nakasuot siya ng lumang damit at sira-sirang sapatos.

“Last Tuesday, May 17, before going to Suzuki, Tatay Manuel went to ____a’s Showroom, however, he said he wasn’t allowed to get in maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask,” pahayag ni Dorego.

Hindi man appealing para sa mga empleyado ng nasabing showroom ang naging look ni Tatay Manuel, hindi naman nito maju-justify ang naranasan niyang pagtataboy. Mabuti na lamang at maayos siyang na-entertain ni Dorego at ng mga kasamahan nito sa Suzuki Auto sa Davao Lanang kung saan ay talagang buo ang kanilang assistance habang abala sa pamimili ng sasakyan si Tatay Manuel.

Matapos ipresenta ni Dorego ang lahat ng kanilang display na mga sasakyan, isang S-presso ang nagustuhan ni Tatay Manuel na kaagad naman nitong binayaran ng buo kinabukasan.

Credit: Love Dorego Facebook

Ayon kay Dorego, isa umanong retired na teacher si Tatay Manuel. Nabanggit din niya na mag-isa na lamang ang matanda sa buhay matapos itong iwan ng isang babae at tinangay pa ang kanyang pera.

“Tatay doesn’t have a family, he said a woman just took advantage of him and took his money away. he is a retired Teacher,” saad ni Dorego.

Hindi lamang sa pamamagitan ng simpleng observation natin nakikilatis at nakikilala ang isang tao kaya talagang bawal maging judgmental!

Sa likod ng “mahirap look” ni Tatay Manuel ay ang kakayahan pala niyang makapagbayad ng buo sa isang magara at mamahaling sasakyan!