Sinaktan, niloko, at iniwan, talagang walang pinapalagpas ang isang babae sa San Ildefonso, Bulacan nang ginantihan niya ang kanyang nangaliwang asawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit nito online.
Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook
Sa live selling na viral ngayon sa social media at patok sa netizens, makikita si Jamille Margarita Galvez na nagbebenta ng mga natitirang gamit ng Mister niyang ‘sumakabilang bahay’. Iilan lamang sa mga items na ibinibenta niya ay mga sumbrero, mga pantalon, t-shirts at mga polo, sapatos, tsinelas, at iba pang branded na mga gamit.
At dahil sin@ktan at niloko nga ng kanyang mister, may entry at hugot si Jamille sa bawat item kaya naman talagang patok sa netizens at buyers ang pamamaraan niya sa pagbenta.
Bagama’t pinagsisikapan man ngayon na mag-move on sa pamamagitan ng pagle-let go sa feelings at mga gamit ng kanyang nangaliwang asawa, aminado pa rin si Jamille na naaapektuhan at nasasaktan pa rin siya. Minsan ay napapatanong din siya sa kanyang sarili kung bakit nga ba siya niloko at iniwan ng mister.
Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook
Sa isang post niya sa kanyang opisyal na Facebook account, ibinahagi ni Jamille ang screenshot ng isang comment ng netizen na nagsasabing bakit nga ba may mga babaeng pumapatol sa mga lalaking may asawa na. Sa kanyang caption, ibinahagi ni Jamille ang kanyang thoughts tungkol dito.
“Topic for tonight ka-palavarns. Bakit nga ba? Bakit may mga babae na kahit alam na may girlfriend na ung lalaki o may asawa at anak na eh pumapatol padin? Hindi nyo ba naisip ung mga bata? Bakit kayo pa malakas loob na agawin asawa ng may asawa? Wala ba kayong konsensya? Wala ba talaga kayong awa sa mga anak? Napakamakasarili niyo,” sabi ni Jamille.
Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook
Ngayon na nasa proseso pa rin ng pagmo-move on, malaki ang pasasalamat ni Jamille sa mga taong labis at todo ang suportang ibinibigay. Overwhelmed din siya sa mga tao na kahit hindi kakilala o kaibigan ay nagpapadala sa kanya ng mensahe na isa-isa umano niyang binabasa.
Of course, bilang isang ’empowered woman,’ patuloy pa rin sa pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa si Jamille sa kapwa niyang mga babaeng niloko at iniwan din ng kanilang asawa. Masasabi rin na unti-unti nang nagiging okay si Jamille dahil nito lamang Miyerkules, nagpalit siya ng profile picture sa Facebook na may caption na, “Lavarn kahit iniwarn. Ngumiti kahit na nahihirapan..”
Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook
Sawi man sa pag-ibig, panalong-panalo naman siya bilang isang babae at bilang isang Momshie.