Hindi maipagkakailang maraming puso ang nadurog sa kwento ng paghihirap at pagsisikap ng 10-anyos na batang lalaki na si Reymark Mariano mula sa Mindanao para lamang matulungan ang kanyang lolo’t lola.
Credit: @jerickmitra87 Facebook
Noong May 23 ay napanood ng marami ang kwento ni Reymark sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. At sa naturang episode nalaman ng lahat na ‘di tulad ng karaniwang bata, maagang namulat sa pagtatrabaho sa bukid si Reymark.
Sa pakikipag-panayam ng programa kay Reymark, ibinahagi niyang bata pa lamang ay natuto na siyang mag-araro ng ekta-ektaryang bukirin para tulungan ang kanyang pamilya.
Mangiyak-ngiyak ding ikwenento ni Reymark na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magtrabaho sa bukid matapos makulong ang kanyang ama. Hindi naman kasama ni Reymark ang kanyang ina dahil may sarili na rin itong pamilya. Kaya naman ang kanyang matanda nang lolo’t lola ang nangangalaga sa kanya ngayon.
Credit: @jerickmitra87 Facebook
Pagkatapos ngang maipalabas ang kwento ni Reymark ay bumaha ang tulong para sa kanya. Maraming tao ang naawa kay Reymark dahil sa kanyang sitwasyon at maging ng kanyang pamilya.
Kabilang sa mga taong gumawa ng paraan para lamang matulungan si Reymark at ang kanyang pamilya ay ang netizen na si Jerick Mitra.
Credit: @jerickmitra87 Facebook
Si Jerick ay isang motorcycle enthusiast at matapos nga niyang mapanood ang nakakaawang sitwasyon ni Reymark ay napagdesisyunan niyang ibenta ang pagmamay-ari niyang mamahaling helmet.
Sa isang Facebook post ay naghahanap ng interesadong buyer si Jerick ng kanyang helmet.
Base sa kanyang post, ibinebenta ni Jerick ang kanyang helmet sa halagang P12,950 at nangako siyang lahat ng kanyang kikitain ay mapupunta kay Reymark.
Dahil naman sa magandang kalooban ni Jerick para tulungan si Reymark kaya hinangaan siya ng maraming netizens. Komento nila:
“Di lang magaling ma2lungin pa, god bless boss Jerick Mitra isa kang tunay na idolo”
“Wow god bless young master Jerick Mitra, more blessing to you!”
“Galing naman sana marami pang katulad mo idol Jerick Mitra..kaya lalo ka yumayaman ang bait bait mu…godbless”
Credit: @jerickmitra87 Facebook
“Salute boss”
Samantala, base sa latest Facebook post ni Jerick, makikitang nakarating na kay Reymark ang pera na kinita niya mula sa pagbebenta ng kanyang mamahaling helmet.