Isang nagmamalasakit na lalaki, hinangaan dahil sa pagtulong sa isang food delivery rider na naligaw at pumasok sa expressway

Marami ang nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng p@ndemya, subalit kailangan magpatuloy sa buhay kaya ang ilan sa ating mga kababayan ay nakakita ng pagkukuhanan ng kabuhayan sa pagiging delivery rider.

Credit: @gabconstantino TikTok

Hindi biro ang araw-araw na kinakaharap ng mga delivery rider, bukod sa palaging nakaambang kapahamakan sa pagmomotorsiklo, nariyan din ang hirap ng pagsuong sa init man o ulan. Kaya naman marami ang naantig sa isang post ng isang netizen nang may isang Foodpanda rider na naligaw sa expressway.

Sa isang video mula sa isang netizen na si Gab Constantino, makikita ang Foodpanda rider na dire-diretso sa pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo papasok sa NLEX.

Credit: @gabconstantino TikTok

Hindi lingid sa karamihan na may mga iilan lamang na motorsiklo na pwede pumasok sa expressway kaya naman hindi nag-atubili si Gab na sundan ang gumilid na delivery rider at tanungin ito.

“NLEX na ito boss ah,” wika ni Gab.

“Naligaw kasi ako sa isang deliver ko, dito ako napunta,” sagot ng delivery rider.

“Gusto moh habang walang bantay pasok moh nalang dito,” pagmamagandang loob ni Gab.

Credit: @gabconstantino TikTok

Umayon naman ang rider at agad na isinakay ang motorsiklo sa sasakyan ni Gab. Sinabi nitong hindi niya napansin na papasok na pala sa expressway ang kanyang tinatahak. Inihatid naman siya ni Gab sa isang gasolinahan sa labas ng expressway. Masayang-masaya ang rider at aabutan pa sana ng bayad si Gab na hindi naman tinanggap nito at sinabing “okay lang“.

Credit: @gabconstantino TikTok

Ang nasabing video ay ipinost sa isang Facebook page at agad nagviral. Hindi maiwasan ng mga netizen lalo na ng mga kapwa rider na magbigay ng kanilang saloobin at mag-iwan ng komento.

Credit: @gabconstantino TikTok

“Bilang rider ng lalamove sir maraming salamat po na may kagaya ninyo na nandyan para tulungan kaming mga rider hind ka nagdalawang isip na tulungan ang kapwa ko rider. Sir pinapatunayan mo na tayong mga pilipino ay may puso’t damdamin na handang tumulong sa kapwa sa maliit man o malaking pamamaraan. Nawa’y ang Diyos na ang bahala sa’yo. Taos puso po ako nagpapasalamat sa inyo Sir. SALUTE PO SIR,” komento ng isang netizen.