Isang nanay, kinatuwaan ng netizens dahil sa kakaibang version ng lullaby na inawit sa anak

Nagviral ang video ng isang ina kung saan kumakanta ito ng isang nursery rhyme song na ‘Old McDonald had a Farm’ para makatulog ang kaniyang baby. Imbes na masayang version ng awitin ay mapapakinggan sa video na ito ay ginawa niyang lullaby.

Credit:ย Dan Vibes Facebook

Si Danieca Arreglado Goc-ong o mas kilala bilang si Dan Vibes ang nasabing ina na makikita sa video na kumakanta ng nakakatuwang awitin. Habang hawak nito ang kaniyang baby ay kanya namang dinuduyan ito habang kinakanta ang kaniyang lullaby version ng ‘Old McDonald’.

Makikitang effective ang pagawit nito at mabilis na nakatulog agad ang kaniyang anak. Maraming netizens ang natuwa at humanga sa kakaibang paraan nito sa pagpapatulog. Nakarelate din ang ibang nanay sa video na ishinare ni Dan Vibes.

Credit:ย Dan Vibes Facebook

“Ganun tlaga pg nanay…bhala na mag tongue twister at mag rumble rumble ang words at feeling singer baxta mkntahan lng ang baby….ranas na ranas ko yan sa apat na anak ko. From english song bglang naging tagalong ang ending ilonggo song๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ Mahalaga sumakit llamunan ko at nakatulog ang bata”

“Nakakatawa sa ilan. Pero kung isa ka ng Ina, maiiintindihan mo to. โ˜บ๏ธKapag Nanay ka na at naghehele, kung ano na lang maisipan mo at kung saan komportable si baby go na! Ako nga minsan napakanta pa ng Xmas song ee.”

“hahah ung frog nag-quack quack hahaha. hindi ako pwede nasa tabi pag magpapatulog ng bata kng ganyan kase ndi ako matitigil sa kakatawa ๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ”

“๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ‘๐Ÿป eh sa ganun ang gusto ng anak nya eh. Moms will do anything for their kids kahit minsan nagmumukha ng engot๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ‘๐Ÿป proud of you Queen Mama๐Ÿ˜Š”

Credit:ย Dan Vibes Facebook

Kilala si Dan vibes sa nakaka-good vibes na video nito kung saan maraming netizens ang pinatawa nito dahil sa kaniyang kakaibang pagkanta. Ilan sa mga video din nito ang kakaibang pagtuturo niya kung paano umawit.

Kamaikailan lamang ay nanganak ito at sa mga bagong video nito, kaniyang pinakita ang ilang karanasan nito bilang isang ina. Maraming nakarelate at nagdulot din ng positive vibes ang mga video na ito.