Isang nanay, proud na nakapasa na sa LET exam pagkatapos na 18 beses bumagsak dito

Tunay nga naman na nakakapanghina ng loob kapag paulit-ulit tayong nabibigo sa pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay dahil tagos talaga sa puso ang sakit at pighati na dulot nito ngunit imbes na maglugmok at mawalan ng pag-asa, mas nadagdagan pa ang determinasyon ng isang aspiring nanay na makapasa sa board exam matapos ang ilang ulit niyang attempts!

Credit: Diane Asanza David Facebook

Hindi lang pala pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang katapusan ng ating struggles sa buhay patungo sa pangarap nating maging isang professional dahil kailangan pa nating makapasa sa board exam. Bagama’t marami naman tayong nalalamang mga kuwento tungkol sa mga taong bumagsak sa board exam at doble talaga ang pag-aaral na ginawa bago nila nakita ang kanilang pangalan sa listahan ng passers, napapabilib pa rin talaga tayo sa tuwing nakakarinig ng parehong storya katulad na lamang ni Mary Grace Millama Zulueta na 18 beses lang namang sumubok sa LET bago napasakamay ang kanyang lisensya bilang isang guro.

Kung iisipin, hindi talaga lahat ng tao ay may willpower na i-pursue pa ang kanilang pangarap matapos ang 18 nilang attempts na maisakatuparan ito kaya talagang ganoon na lamang kabilib ang netizens sa inspiring na kuwento ni Mary Grace Millima Zulueta dahil nakayanan umano niya ang napakaraming pagsubok sa buhay sa kabila ng pagbabalanse sa kanyang trabaho at Momshie duties.

Credit: Diane Asanza David Facebook

Sa Facebook post ng nag-Top 2 sa LET noong Enero 2022 na si Diane Asanza David, ibinahagi niyang super hanga siya sa kanyang kapwa guro at kaklase sa pinasukan niyang review center na si Mary Grace dahil sa wakas, nag-debut na rin ito sa board exam!

“18 pagsubok at paulit-ulit na pag-abot ng pangarap, ngayong taon binigay na ni Lord and bunga ng iyong sakripisyo. Nakita namin kung gaano mo pinaghirapan ma’am Mary Grace Millama Zulueta itong board exam na ito. Nag-aalaga ka ng mga anak, nagtuturo ng mga bata, pagkatapos ng trabaho, diretso sa pag-aaral for Board Exam,” kuwento ni Diane kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ni Mary Grace.

Credit: Mary Grace Millama Zulueta Facebook

Dahil nasaksihan umano niya ang pagpupursige ni Mary Grace, saludong-saludo talaga si Diane sa kanya pati na ang netizens na pinaulanan ng papuri ang noo’y aspiring na maging isang teacher pero ngayon ay isa nang lisensyadong guro!