Isang Pinay OFW, milyonarya na ngayon matapos pamanahan ng kanyang dating amo!

Hindi biro ang pagsasakripisyo ng mga kababayan nating OFW para lamang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya na iniwan nila rito sa Pilipinas.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Kabilang naman sa mga ipinagdadasal ng maraming OFW ay ang mapunta sila sa isang mabait at may malasakit na dayuhang amo.

Abot-langit nga ang pasasalamat ng Pinay OFW na si Daisy Bucad-Eng na namasukan ng maraming taon bilang katulong sa Hong Kong. [email protected] kasi ng kanyang amo, napag-alaman niyang pinamanahan pala siya nito ng napakalaking halaga ng pera at mga ari-arian.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sa isang episode ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong October 10, itinampok ang kwento ni Daisy at kung paano siya naging milyonarya dahil sa kanyang matandang amo na si Marie na isang Portuguese.

Lingid sa kaaalaman ng marami, sa edad na 16 ay nag-asawa na si Daisy. Binubuhay naman niya noon ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng asin. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon siyang mamasukan bilang katulong sa Hong Kong.

Bago naman magtagpo ang landas nila ni Marie, ibinahagi ni Daisy na nakaranas muna siya ng hirap sa poder ng kanyang unang amo.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Pagkukwento pa niya, hindi niya nakayanan ang paninilbihan niya sa kanyang unang amo dahil dalawa o tatlong oras lamang umano ang kanyang pahinga.

Kaya naman nang maging amo ni Daisy si Marie ay labis na lamang ang kanyang pasasalamat dahil kahit maliit ang kanyang sweldo na 900 HK dollar kada buwan o kung iko-convert sa piso ay katumbas lamang ng P2,700, naramdaman naman umano niyang itinuring siya nitong parang isang tunay na pamilya.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Inalagaan nga ni Daisy ang kanyang amo na isa nang senior citizen hanggang sa magdesisyon umano itong sumama sa kanya sa Pilipinas dahil ayaw nitong tumira sa home for the aged sa Hong Kong.

Masaya namang ikwenento ni Daisy na noong nasa Pilipinas si Marie ay parati umano silang namamasyal hanggang sa [email protected] nga ito ng buhay noong 2002.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Halos hindi nga makapaniwala si Daisy nang isang araw ay may dumating na sulat mula sa kapamilya ni Marie. Nakalahad umano sa sulat na isinama siya sa last will and testament ng kanyang yumaong amo.

Minalas man si Daisy sa kanyang unang amo, sinuwerte naman siya sa kanyang pangalawang amo matapos nitong suklian ng pamana na aabot sa milyon-milyong piso ang halaga ang 11 taong pagseserbisyo niya rito.

Kabilang umano sa ipinamana sa kanya ni Marie ay isang apartment, stocks sa iba’t ibang kumpanya at pera na aabot sa milyon-milyon ang halaga.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Mula naman sa mga ipinamana ng kanyang amo ay masayang ibinahagi ni Daisy na nakapagpundar na siya ng mga negosyo at ari-arian dito sa Pilipinas.