Isang Pinay OFW, naiyak nang masilayan ang naipagawang kongkretong bahay na bunga na pagsasakripisyo nilang mag-asawa sa ibang bansa

Marami sa mga kababayan natin ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang isang OFW matupad lamang ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Tulad na lamang ng Pinay OFW na si Ronalyn Quitola mula sa Ilagan, Isabela na nag-viral kamakailan matapos maitampok ang kanyang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Umantig sa marami ang kwento ni Ronalyn na tiniis ang hirap sa pagtatrabaho sa bansang Saudi Arabia maipagawa lamang ang pinapangarap niyang bahay at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Ikwenento ni Ronalyn sa programa ang kalbaryo na naranasan nila noon. Tuwing bumabagyo raw kasi ay lumilikas silang magpamilya dahil nasisira ang kanilang bahay na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping mga yero.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ani Ronalyn, “’Yung bahay kasi namin noon, gawa lang sa kahoy. Tapos ‘yung yero, patong-patong lang kasi nasira na ng bagyo. ‘Pag umuulan, tulo talaga yung inaabot. Basa kami. ‘Pag may dumadating na bagyo, doon sila sa evacuation pumupunta kasi hindi sila safe. Sobrang hirap po talaga.”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Kaya naman nang makapag-abroad, isa sa mga inspirasyon ni Ronalyn ay ang pangarap niyang maipagawa ang kanilang bahay.

Gayunpaman, aminado naman si Ronalyn na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa Saudi. Tulad ng karamihan, naranasan din ni Ronalyn na maging b!ktima ng [email protected] ng kanyang amo. Ngunit ayon kay Ronalyn, hindi siya nawalan ng pag-asa at ang pangarap nga niya na maipagawa ang kanilang bahay ang nagsilbing motibasyon niya para tiisin ang hirap sa ibang bansa.

Kwento ni Ronalyn, “Noong nagtrabaho ako sa Saudi, doon ko naranasan yung sobrang hirap bilang OFW. Naranasan kong [email protected] ng amo ko.”

Dagdag niya, “At habang naroon ako, nakita ko rin na malalaki ang bahay nila. Kaya sabi ko sa sarili ko na balang araw, magkakaroon din ako ng ganoon! Hindi naging madali. Pero hindi ako sumuko…”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Samantala, nito lamang June 23 ay bumalik sa bansa si Ronalyn at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan niya ang katas ng kanilang pagsasakripisyong mag-asawa abroad.

Sa video na ibinahagi ng KMJS, mapapanood ang pagiging emosyonal ni Ronalyn nang makauwi siya sa kanilang bahay sa Isabela at masilayan na sa wakas ang pinagsikapan nilang maipagawa na bahay.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Ang noon ay gawa pa sa yero nilang bahay, kongkreto na ngayon. Bukod sa sementado na ang bawat sulok ng kanilang bahay, napagawan na rin nila Ronalyn ito ng ikalawang palapag.

Pagkukuwento pa ni Ronalyn, pinagsikapan nila ng kanyang mister na isa ring OFW sa Saudi na makapag-ipon para unti-unting maipagawa ang kanilang bahay.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Aniya, “Tuwing sumasahod kami, unti-unti kaming bumibili ng gamit ng bahay. Nag-iipon kami ng bakal at hollow blocks. Kahit sobrang hirap, hindi kami sumuko!”

Napatunayan nga ni Ronalyn at ng kanyang mister sa marami na walang imposible para sa isang taong nagsisikap at nagtitiyaga sa buhay dahil natupad nila ang kanilang pangarap.