Kapag may pinagdadaanan sa buhay, mahirap talaga magpanggap na masaya lalo na’t sa likod ng ating mga ngiti ay ang dala-dala natin ang sobrang bigat na mga problema pero tila’y “built different” ang mga Pinoy dahil kahit marami man tayong struggles ay patuloy pa rin tayong lumalaban habang hindi tinatanggal ang masasayang ngiti sa ating mga labi.
Mahirap talaga maghanap ng trabaho lalo na para sa mga taong hindi nagawang makapagtapos sa kolehiyo kaya marami talaga sa kapwa nating mga Pinoy ang sumubok na makipagsapalaran sa ibang bansa pero doble naman ang pagod pero gayunpaman, kayod talaga nang kayod ang OFWs para lamang matustusan ang lahat ng kanilang pangangailangan pati na rin ng kanilang pamilya.
Bago lamang sa ibang bansa, malaking adjustment talaga ang ginagawa ng OFWs pero sa determinasyon nilang makamit ang kanilang tagumpay ay wala talaga silang pinipiling trabaho katulad na lamang ng Ilocanong si Mr. Anthony Vives na nagsimulang magtrabaho sa isang printing press sa US sa loob ng anim na taon bago nag-apply at natanggap sa US Postal Service bilang isang mailman.
Sa kahirapan, hindi nagawa ni Mr. Vives na matapos ang kurso niyang Radiologic Technology pero sa tulong ng kanyang nakakatandang kapatid na nagbigay sa kanya ng opportunity na makapagtrabaho sa US, nahanap niya ang career na pinaniniwalaan niyang nakalaan para sa kanya at ito nga ay ang pagiging mailman.
@bellevives Woke up to the most wholesome video from my papa. Almost 30 years of service as a mail carrier. Congrats to my papa for making it to retirement ❤️ and shout out to all carriers and delivery workers out there! #retirement #mailcarrier #usps #papa ♬ original sound – Annabelle Rose Vives
Sa limang taon niyang pagtatrabaho, tsaka pa nabigyan ng regular na posisyon si Mr. Vives kung saan nagsimula siyang nakilala at minahal ng mga taong pinapadalhan niya ng mails at parcels kaya matapos ang 22 na taon, puno talaga ng magagandang alaala ang buong career niya nang napagdesisyunan niyang mag-retiro noong December 29, 2022.
Sa video na in-upload ng kanyang anak na si Belle Vives sa Tiktok, mapapanood kung paano inilaan ng kanyang ama ang huling araw nito bilang mailman.
“I’m done. This is it! I’m officially retired. Thank you, Lord. I’m done,” maririnig na sabi ni Mr. Vives sa video.
Bagama’t medyo maulan, hindi naman naging hadlang ang masamang panahon para masayang tuldukan ang kanyang career bilang mailman. Ngayong retired na si Mr. Anthony Vives, aminado siyang ramdam niya ang labis na excitement dahil sa wakas, mailalaan na niya ang kanyang buong oras kasama ang pinakamamahal niyang asawa at dalawang mga anak.
Sa buo niyang career, napamahal talaga siya sa lahat ng West Hills na siyang area niya sa nakalipas na mahabang panahon kaya hindi lamang siya sikat kundi ay paboriting Pinoy mailman din!