Tunay nga na isang malaking sakripisyo ang pangingibang-bansa dahil maliban sa pangungulila natin sa pamilyang naiwan sa Pinas, hindi rin biro ang cravings natin sa nakasanayan nating Pinoy foods pero sino nga ba ang mag-aakala na ang simpleng cravings ay magiging daan pala tungo sa tagumpay?
Credit: @boy_isaw Instagram
Dito sa Pinas, usong-uso talaga ang street foods. Sa sobrang daming nagbebenta ng mga ito ay nakakasawa na pero hindi ito ang sitwasyon ng mga kababayan nating nasa ibang bansa dahil hinahanap-hanap lang naman nila ang sarap ng isaw at barbecue katulad na lamang ng Pinoy sa New York na si Robin John Calalo na sa kagustuhan niyang ma-satisfy ang kanyang craving ay sinubukan niyang magluto.
Sa interview ng GMA News, ikinuwento ni Robin John na nagsimula lamang ang lahat sa kanyang cravings sa isaw. Sa budget niyang $50, bumili siya ng ingredients hanggang sa naparami ang kanyang niluto at ibinenta.
“So nag-decide akong mamalengke. May dala akong $50,” saad niya.
Credit: @boy_isaw Instagram
“So nag-try akong magluto. Dinamihan ko na tapos binenta.”
Ang una umano niyang customers ay ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan hanggang dumami ang Pinoy customers na kapwa Pinoy na katulad niya’y nangungulila rin sa sarap at lasap ng isaw.
Pagbabahagi pa ni Robin John, hindi niya kailanman inasahang papatok ang kanyang ihawan business lalo na’t kasagsagan pa ‘yun ng p@ndemic pero imbes na malugi, nabawi niya ang kanyang capital.
Hindi nagtagal, mayroon na rin siyang foreigners na customers hanggang nadagdagan nga ang kanyang menu. Kung noon ay isaw lamang ang ibinebenta, ngayon naman ay may adidas o paa na ng manok, betamax o dugo ng baboy, tenga ng baboy, barbecue, manok, hotdog at marami pang iba.
Credit: @boy_isaw Instagram
Ang bawat produktong ibinebenta ni Robin John ay nagsisimula sa halagang $3.50 o 175 pesos. Nagbebenta rin siya ng rice na nagkakahalaga ng $2 at may discount na $14 at libreng drinks kapag umaabot sa tatlong stick ang order ng customers.
Sa magandang takbo ng kanyang negosyo, kumikita na ngayon ng 200k bawat linggo si Robin John. Ibig sabihin, pumapalo na sa 800k ang perang kinikita niya buwan-buwan!
Sa sobrang dami ng nagbebenta ng street food dito sa Pinas, hindi talaga sila masyadong kumikita ng malaking pera pero akalain niyong kumikita ng limpak-limpak na pera ang isaw seller sa New York? Ganito kapatok ang pagkaing Pinoy sa ibang bansa!