Isang pulis, naging daan para makagraduate at makapagmarcha ang Grade 12 student na kanyang sinita

Walang pinipiling oras ang mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa. Hangga’t alam kasi nila na may kakayahan silang tumulong sa iba, gagawin nila ito ng walang pag-aalinlangan.

Credit: Marvin Marasigan Facebook

Isang patunay dito si Police Master Sergeant John Hay Valdez Macapulay ng Gerona, Tarlac na binayaran ang balanse sa matrikula ng isang Grade 12 student para ito ay maka-graduate.

Ayon sa kwento ng Grade 12 student na si Eunie Subaran, imbes umano bigyan sila ng ticket ni PMSgt. John Hay dahil sa wala silang suot na helmet at lisensya at mga menor de edad pa ay nag-alok umano ito ng tulong sa kanila.

Papunta noon sina Eunie sa kanyang eskwelahan para dumalo sa pagtatapos ng kanyang mga kaklase.

Credit: Marvin Marasigan Facebook

Hindi kasi magawang maka-graduate ni Eunie katulad ng kanyang mga kaklase dahil may balanse pa siyang P4,000 sa kanyang eskwelahan.

Ikwenento ito ni Eunie kay PMSgt. John Hay nang sitahin sila nito sa isang c0vid-!9 checkpoint. Nang malaman naman ito ni PMSgt. John Hay ay talagang naantig siya sa kwento ni Eunie. Kaya naman nagdesisyon itong samahan si Eunie sa eskwelahan nito para bayaran ang natitirang niyang balanse sa matrikula.

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ni Eunie kay PMSgt. John Hay dahil sa wakas ay makaka-graduate na siya. Itinururing din ng estudyante na isang “blessing in disguise” ang pagkakasita sa kanila ni PMSgt. John Hay. Iilan na lamang kasi ang mga taong handa talagang tumulong sa kanilang kapwa kaya para kay Eunie sagot sa kanyang mga dasal si PMSgt. John Hay.

Credit: Marvin Marasigan Facebook

“Kung tutuusin po, d!sgrasya po talaga ‘yung nangyari pero napakabait po talaga niya. Imbbes na kami po ‘yung maglabas talaga ng pera siya pa po ‘yung tumulong sa amin,” ani Eunie sa ulat ng “24 Oras”.

Dahil bayad na ang kanyang balanse sa matrikula, ay masayang nagtapos si Eunie at “with honors” pa.

Ayon naman kay PMSgt. John Hay, hindi umano kayang bayaran ng anumang salapi ang naramdaman niya noong tinulungan niya ang estudyante.

Credit: Homer Teodoro Facebook

Kwento pa ng pulis, “Kapag dumating sayo ‘yung sitwasyon na ‘yun at alam mo na may maitutulong ka naman at hindi mo ginawa, baka habang buhay ko po pagsisihan.”

Dagdag niya, “Kaya talagang ‘yun po na nararamdaman ko nung time na ‘yun ay hindi po kayang bayaran ng anumang uri ng pera.”