Isang school principal na nagmistulang construction worker din ng paaralan, hinangaan dahil sa kakaibang dedikasyon

Saludo ang maraming netizens sa isang school principal dahil sa dedikasyon nito sa paglilingkod sa kanyang paaralan. Hinangaan ng lahat si Elmer Lumbo, isang school principal mula sa Buruanga, Aklan matapos kumalat ang kanyang mga letrato sa social media na tumutulong sa paggawa ng hagdan at riprap ng kanyang paaralan.

Credit: Jose Elvis Michelet Lumbo Facebook   

Makikita sa mga larawan na in-upload ng kanyang anak na si Jose Elvis Michelet Lumbo sa Facebook ang dedikasyon ni Elmer para matapos ang paggawa sa isang proyekto sa kanyang paaralan.

Proud nga ang anak ni Elmer sa kanya dahil sa kanyang pagkukusang-loob na tumulong para mapabilis ang pagtapos sa proyekto.

Credit: Jose Elvis Michelet Lumbo Facebook

Ayon pa sa caption ni Jose Elvis, ngayon lamang daw siya nakakita ng isang school principal na gumagawa ng mga construction work.

Bihira lamang tayong makakita ng isang principal na nag-ala-construction worker kaya naman ganoon na lamang ang paghanga ng maraming netizens kay Elmer.

Samantala, sa comment section ng nasabing viral post ni Jose Elvis ay bumaha ang mga kwento ng mga taong nakatrabaho at nakahalubilo ni Elmer na makapagpapatunay kung gaano siya kabait at kasipag sa kanyang pagseserbisyo bilang isang principal. Komento pa ng mga netizen na nakahalubilo si Elmer:

Credit: Jose Elvis Michelet Lumbo Facebook

“Sir Elmer Lumbo a very dedicated educator, a loving husband and father and a very down to earth, hard-working man. Thank you Sir for your exemplary service to our learners and co-workers. May God bless you with good health and safety always.”

“were too lucky to have you as our school principal, very hardworking”

Credit: Jose Elvis Michelet Lumbo Facebook

“😊😍minsan punit² pa yan suot ni sir na damit 😅 kapag uwian na yung mga students jan yan nag overtime sa school para lang mapaganda yung school 😊 I saluted you sir♥️☺️”

“Yes! Very hardworking, I can attest to that. Always on-the go, wala naubusan it projects para sa school ag para sa mga inunga it Habana. You are indeed God’s blessing to Habana Integrated School 👍👍”

Isang mensahe naman ang isinulat ni Elmer para sa lahat ng naka-appreciate sa kanyang ginawa.

Credit: Jose Elvis Michelet Lumbo Facebook

Aniya, “I believe each one of us is significant before the eyes of God. He makes us His instrument in makng this Earth worthy of living. We have our mission to be of service in the community we are sent to serve.”

Dagdag niya, “Your recognition, appreciation and accolade will be treasured forever not only by my family but also those of the stakeholders who believe in my selfless service and leadership in Habana Integrated School. I wish to share this with you all. May this serve as my inspiration in performing my duties with more fervor dedication.”