Isang tatay na nagkapalitan ng baon ng anak, kinaaliwan ng netizens!

Sa ating pagtanda, madalas talaga nating naaalala ang masasayang kahapon kung saan ay carefree tayong nakakapaglaro, walang stress sa buhay plus araw-araw pa na nakapag-eenjoy sa school dala-dala ang kiddie meal na personal na hinahanda ng ating mga ina kaya talagang nagdulot ng memories para sa netizen na si Rexis Timbas nang pinabaunan siya ng kanyang asawa ng lunch.

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay may appetite ang mga chikiting kaya isa sa mga effective na paraang naisip ng mga Momshie ay gawing extra special ang baon ng kanilang mga anak sa school katulad na lamang ng shaped na mga prutas at veggies, colorful at mas katakam-takam na ulam. Dahil sa pleasing na appearance nito ay mas magkakaroon ng gana ang mga chikiting na kumain at ubusin ang kanilang baon katulad na lamang ni Karmina Timbas na araw-araw na pinapabaunan ng bento box ang anak maliban na lamang ‘nung isang araw na tila’y napilitan itong kumain ng sinigang dahil nagkapalitan lang naman sila ng kanyang Daddy Rexis!

Sa post ni Rexis sa Facebook kumakailan lamang, ibinahagi niyang nagkapalitan umano sila ng kanyang anak ng baon dahil imbes na sinigang, isa lang namang kiddie meal ang nakapaloob sa dala niyang lunch box at may nakasulat pa na “Be polite” sa takip nito.

“Nagulat ako sa laman ng lunchbox ko….. mukhang may nagkapalit, mukhang may batang kumakain ng sinigang ngayon. Kaya pala may nakasulat na “Be polite” sa takip 😂😂😂,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan kung saan ay makikita ang bento box na supposedly ay sa anak umano niya.

Dahil sa nakakatawang kuwento ni Rexis, kaagad naman itong pinagkaguluhan at kinaaliwan ng netizens.

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

“dapat nanood ka sir ng cocomelon while enjoying your baon, 1001% kiddie feels ka talaga nyan sir”

“Yong ang angas mo sa trabaho taz lunch together kau at pag bukas tadaaaaa “

“Gusto nyo po bang everyday na ganyang presentation for your baon, sir? Hehe”

“Nabusog ka ba sir rexis :((“

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

Pagbabahagi ni Rexis sa Philippine Star, kaagad umano niyang tinanong ang kanyang misis ukol nito at nalaman niyang para pala talaga sa kanya ang kiddie meal at hindi sa anak kaya magkahalong gulat at ginhawa talaga ang kanyang naramdaman dahil sa effort na ibinigay ng asawa sa paghahanda sa kanyang baon at sa katotohanang hindi niya aksidenteng naagawan ng bento box ang anak.