Ito ang kuwento ng dating domestic helper na isa nang Masteral graduate ngayon sa Amerika

Marami naman tayong nalalaman o naririnig na inspiring na mga kuwento ng mga taong nagtatagumpay sa kanilang napiling larangan, palagi pa rin tayong nata-touch at namamangha sa mga ito dahil sa likod ng kanilang success at achievements ay ang pinagdaanan nilang mahirap na mga pagsubok.

Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook

Bagama’t libre man mangarap, magastos at mahal naman ang pag-abot ng mga ito lalo na’t hindi lahat ay privileged o may kakayahan na ma-afford ang tuition sa iba’t-ibang paaralan kaya marami sa mga Pinoy dreamers ang napipilitan na itigil ang kanilang pag-aaral at magtrabaho na lamang. Isa na nga sa mga ito ay si Xyza Cruz Bacani na iniwan ang buhay dito sa Pilipinas upang magtrabaho bilang isang domestic helper sa Hongkong.

Sa murang edad na 19 kung saan ay kadalasan sa atin ay nasa paaralan at abala sa pagdi-discover sa ating mga kagustuhan at pangarap sa buhay, kumakayod na si Xyza upang matulungan ang kanyang nanay na kapwa niya OFW pagdating sa pagtustos sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

19 taong gulang pa man ‘nung napagdesisyunan niyang iwan ang kursong Nursing at ang pamilya dito sa Pilipinas upang magtrabaho, masasabi na mature ang pag-iisip ni Xyza dahil priority talaga niya ang kapakanan ng kanyang pamilya kahit na’y ibig sabihin nito ay kailangan niyang mag-quit sa pag-aaral.

Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook

Sa pangungulila ni Xyza, naging comfort niya ang photography na kalaunan ay pumatok sa netizens at naagaw ang atensyon ng New York Times at CNN. Dahil sa kanyang pagsikat, buong-puso siyang tinanggap ng NYU sa programang M.A in Arts Politics kahit na’y wala siyang degree.

Dahil sa kanyang pagsisikap at skills sa photography, maraming na-impress kay Xyza. Of course, habang nag-aaral sa NYU, talagang pinatunayan niya ang kanyang kakayahan sa larangan ng photography at ngayon ay parte nga ng Class of 2022 ng nasabing prestihiyosong university.

“I am a graduate of Masters in Arts and Politics at New York University Tisch. Even without a college degree, NYU took a chance on me. I am a scholar and grateful to people who paved the way for me to dream, who saw my potential and extended their generosity,” pahayag ni Xyza sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan sa Instagram kung saan ay makikita siyang proud na nakasuot ng purple toga at cap.

Credit: Xyza Cruz Bacani Facebook

Matindi man ang naging sampal ng reality para kay Xyza, nalagpasan naman niya ang lahat ng problema at ngayon ay kilala bilang isang sikat na photographer.