Kilig to the bones ang naramdaman ng maraming netizens sa pinakabagong feature story ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho na pinamagatang “The Guy Behind the Black Face Mask.”
Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube
Tampok sa feature story ng KMJS ang nakakakilig na kwento ng isang dalaga na gustong makita muli ang cute na lalaking nakasuot ng itim na face mask na nahagip ng kanyang camera nang minsang mamasyal siya sa Marikina Riverbanks Center.
Kinilala ang babae bilang si Jessa Ba-at, 21, mula sa Caloocan City. Kwento ni Jessa, kinukuhanan niya ng video noon ang ilang food stalls sa nasabing tiangge nang mahagip ng kanyang camera ang nasabing mystery guy.
Ngunit tsaka lamang napansin ni Jessa ang binata noong magbubura na siya ng ilang files sa kanyang cellphone. Agaw-pansin daw talaga ng nasabing binata lalo na nang ngumiti ito sa video. Kaya naman nang mapansin ni Jessa ang binata sa video ay agad niyang hinanap ito sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang TikTok account.
Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube
Nag-viral naman ang TikTok video ni Jessa at umabot sa KMJS ang paghahanap niya sa binata. Kaya sa tulong ng programa ay muling nagkrus ang landas ni Jessa at ng guy na nakasuot ng itim na face mask sa video.
Pero hindi alam ni Jessa na kilala pala siya ng hinahanap niyang binata na nagpakilalang Christian na taga Teresa, Rizal.
Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagkakilala na ang dalawa noong pareho silang maging contestant sa isang beauty pageant. Gayunpaman, hindi sila nagka-interes sa isa’t isa ng mga panahon na iyon dahil may girlfriend na raw si Christian.
Samantala, isang date ang sinet-up ng programa para sa muling pagkikita ng dalawa sa mismong lugar kung saan nahagip ng video ni Jessa si Christian.
Nang magkita at magkaharap nga sina Jessa at Christian, talagang nag-uumapaw ang kilig na naramdaman ng maraming manonood, lalo na’t hindi maikakaila ang chemistry ng dalawa.
Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube
Nilinaw naman nila sa huli ang estado ng kanilang relasyon. Ayon sa dalawa, kinikilala pa muna nila ang isa’t isa sa ngayon bago mauwi sa pag-iibigan ang kanilang relasyon.