Kilalanin ang babae sa likod ng pangalan ng sikat na Buko Pie sa Laguna na Colette’s Buko Pie

Hindi maikakailang marami ang nalungkot sa [email protected] ng entrepreneur at kilalang pastry chef na si Ruby Nicole “Colette” dela Cruz kamakailan lamang.

Credit: @colettesbukopiemanila Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Ruby Nicole ang tao sa likod ng sikat na traditional Laguna buko pie delicacy na “Colette’s Buko Pie” na madalas gawing pasalubong ng mga bakasyunista para sa kanilang mga minamahal. Ipinangalan ito sa kanya ng kanyang inang si Atty. Regina Bulatao dela Cruz.

Ngunit bukod sa pagiging tao sa likod ng sikat na buko pie, inalala rin ng marami si Nicole bilang isang mahusay na bread at pastry chef.

Credit: @colettesbukopiemanila Instagram

Si Nicole ay isinilang sa Maynila ngunit lumaki sa kanilang hometown sa San Pablo, Laguna. At kahit bata pa lamang, gustung-gusto na ni Nicole ang pastries, lalo na ang binebake na brownies ng kanyang tiyahing si Socorro.

Sa panayam ng ANCX sa kapatid ng ina ni Nicole, ikwenento nitong sa edad na 6-anyos ay nakitaan na niya ng interes sa pagbe-bake ang kanyang pamangkin. Madalas kasi umanong magbakasyon si Nicole sa kanilang tahanan sa Taguig tuwing Pasko at mga holiday. Kaya naman isa sa mga naging bonding nilang mag-tiyahin ay ang pagbe-bake. Ibinahagi rin ni Socorro na madalas siyang tulungan ni Nicole sa kusina sa tuwing siya ay nagbe-bake.

Kalaunan nga, dahil sa kanyang hindi matatawarang interes sa pagbe-bake, kaya kumuha ng kursong food technology si Nicole sa UP Los Baños.

Makalipas naman ang maraming taon, gumawa ng kanyang sariling pangalan si Nicole sa larangan ng pastry. Nag-training si Nicole sa Center for Asian Culinary Studies. Sunod naman ay naging pastry chef helper siya sa isang sikat na hotel dito sa bansa.

Mas lalo namang nahasa ni Nicole ang kanyang talento sa pagluluto at pagbe-bake nang mag-migrate siya sa Amerika taong 2008. Doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging isang chef sa mga French restaurant na Sel de la Terre at L’espalier.

Pagkatapos naman ng walong taon, bumalik si Nicole sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap na magtayo ng isang pastry business.

Taong 2016 nga nang itinayo ni Nicole kasama ang kanyang kaibigan na si Likha Babay ang Hiraya Bakery na tahanan ng ilang “unique pastries” na binake gamit ang mga “locally produced” na ingredients mula sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas tulad ng Laguna at Quezon.

Samantala, maliban sa pagiging isang mahusay na pastry chef, inalala rin si Nicole ng marami bilang isang magaling na manunulat.