Kilalanin ang gwapong pari at licensed fitness instructor na sikat ngayon sa social media!

Talagang naagaw ni Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos ang atensyon ng mga netizens dahil sa kagwapuhang taglay nito!

Credit: Fr.Ferdinand Santos Facebook

Hindi na bago para sa karamihan ang makakita ng gwapo pero bibihira lamang ang nagva-viral sa social media. Sa sitwasyon ni Fr. Ferdinand Santos o mas kilala sa palayaw nitong “Ferdi” na isang pari, hindi palaisipan kung bakit kasalukuyan siyang pinagkakaguluhan ng mga netizens dahil sa good looks nito.

Sa pambihirang atensyon na natatanggap ni Fr. Ferdi galing sa mga netizens ay hindi niya napigilang matuwa. Nang nadiskubre siya ng mga netizens ay malaki rin ang kanyang pasasalamat nang napansin nila ang kanyang matibay na paniniwala sa Panginoon.

Maliban sa pagiging pari, isa ring lisensyadong fitness instructor si Fr. Ferdi kaya hindi mapigilan ng karamihan ang mahumaling sa pisikal niyang anyo. Sa kanyang postura ay marami naman ang halos hindi makapaniwala na isa pala siyang alagad ng Panginoon at ng simbahan.

Credit: Fr.Ferdinand Santos Facebook

Dati siyang Rector of St. John Vianney Seminary sa Florida, USA at kumakailan lamang nang bumalik sa Pilipinas upang pagsilbihan ang simbahang Catholic sa bansa.

Bagama’t marami man ang mga netizens na pumupuri sa kagwapuhan at pagka-fit ni Fr. Ferdi ay marami ring mga netizens na nagsasabing “edited” o “altered” ang mga larawan niyang kumakalat ngayon sa social media ngunit nilinaw ni Fr. Ferdi ang isyung ito.

Credit: Fr.Ferdinand Santos Facebook

“Man, this never ends. This was on Yahoo tonight. I thought I had clarified to everyone that photos on my account are unedited but were photos that had spanned my 17 years in the United States. Some of them are 15, 10, 5 year-old photos. Ay caramba! What does a guy have to do, have a photoshoot? LOL. Anyway, I’m sure the Lord will make use of all of this for His purpose. Once and for all, folks, the photos on my facebook page are unedited. I think I should start posting photos chronologically. LOL,” sabi ni Fr. Ferdi sa kanyang opisyal na Facebook page.

Credit: Fr.Ferdinand Santos Facebook

Masasabi rin na aktibo si Fr. Ferdi sa social media kaya updated ito sa lahat ng mga natatanggap niyang papuri galing sa mga netizens. Base sa kanyang posts sa Facebook page ay mahilig din sa pagpapatawa si Fr. Ferdi na isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang kanyang mga tagasubaybay.

Ang taong nasa likod naman ng biglaang pagsikat ni Fr. Ferdi ay ang kasalukuyang Dean ng Graduate School of Law ng San Beda University na si Ranhilio Aquino.

Credit: Fr.Ferdinand Santos Facebook

Sa simpleng pagbabahagi ng larawan ni Fr. Ferdi Santos sa social media ay hindi inakala ni Dean Ranhilio na magva-viral ang kaibigang pari.