Maraming puso ang nabihag ng bagong itinalaga na Philippine Coast Guard (PGC) station commander ng Guimaras Island na si Lieutenant Junior Grade (LTJG) Christian Bryan Ignacio. Tubong Cavite si Christian Bryan at bago matalaga bilang station commander ng PCG ng Guimaras ay naging commander muna siya ng District Support sa Palawan.

Dalawang buwan pa lamang siya sa Guimaras at kamakailan nga ay nag-viral matapos lumabas ang mga letrato niya kung saan kitang-kita ang kagwapuhan niya. Pinagpiyestahan ng maraming netizens ang mga letrato ni Christian Bryan dahil sa taglay niyang kagwapuhan.
Unang in-upload ni Roberto Gaquit ng Bombo Radyo ang mga letrato ni Christian Bryan sa Facebook na agad namang shinare ng maraming netizens. Sa ngayon ay umabot na sa 11K ang nakuhang reactions ng letrato ni Christian Bryan at mayroon na rin itong 16K na shares.

Maliban dito ay tila inangkin na rin ng maraming netizens bilang kanilang “boyfriend” o “asawa” ang napakagwapong PCG commander. Anila, nalulunod umano sila sa taglay na kagwapuhan ni Christian Bryan. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa viral na letrato ni Christian Bryan.
“Proud Jowa here. galing ng baby ko”
“Proud wifey here. Congrats baby”
“Proud girlfriend here hahaha”

“Proud partner ni Sir Christian Bryan Ignacio at nanay ng anak namin”
Nagpapasalamat naman si Christian Bryan sa mga nakukuha niyang papuri mula sa mga tao.
Sa panayam ng Iloilo Metropolitan Times kay Christian Bryan ay sinabi niya na nagpapasalamat siya sa mga nakukuhang papuri niya mula sa mga tao ngunit sa ngayon daw ay trabaho muna raw ang pokus niya.
Aniya, “Maraming salamat sa ganyang pagsabi ma’am pero trabaho lang tayo ma’am.”

Sa edad na 32, ay inamin ni Christian Bryan na siya ay kasalukuyang single. Gayunpaman, hindi naman daw niya sinasarado ang kanyang pinto dahil naniniwala siya na darating din ang babae at pag-ibig na para sa kanya.
Saad pa niya, “Kung may dumating ma’am, hindi naman hinahanap. Kung may dumating ma’am, andiyan naman.”
Ibinunyag din ni Christian Bryan ang kanyang sekreto sa pagkakaroon ng makinis at gwapong mukha. Aniya, “Tubig lang tapos iwas alak. Tapos fruits, tapos gulay.”