Talagang proud ang sambayanang pilipino nang nagwagi si Hildilyn Diaz ng gintong medalya sa ginanap na Olympics nito lamang Hulyo sa Japan. Talagang pinahanga ni Hidilyn ang lahat nang buhatin niya ang 127 kg na barbell sa loob ng 30 segundo dahilan para makamit niya ang kauna-unahang ginto para sa Pilipinas.
Credit: @hidilyndiaz Instagram
Bukod sa pagiging emosyonal ni Hidilyn matapos magwagi ay hindi rin napigilan ng netizens na mapansin kung sino ang unang taong sumalubong at mahigpit na yumakap sa kanya matapos ang kanyang historical na panalo para sa ating bansa.
Sa likod ng tagumpay na nakamit ni Hidilyn bukod sa kanyang pamilya ay ang kanyang coach at boyfriend ng tatlong taon na si Julius Irvin Naranjo. Siya ang isa sa mga naging inspirasyon at lakas ni Hidilyn upang magpatuloy sa kabila ng lahat ng pagsubok at hamon bago magwagi ng gintong medalya sa Olympics.
View this post on Instagram
Nakilala ni Hidilyn si Julius, isang Filipino-Japanese na kapwa weightlifter sa ginanap na Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017. Ayon kay Julius ay kaagad umano siyang nahumaling kay Hidilyn noong sila’y unang nagkita.
Credit: @hidilyndiaz Instagram
“When I watched her first competition at that meet we were at, I was inspired to see her will power,” sabi ni Julius sa panayam sa kanya ng Sports U.
Sobrang laki ng pangarap ni Hidilyn para sa sarili. Gusto niyang makamit ang gintong medalya sa Olympics at magbigay karangalan sa Pilipinas kaya malaki ang kanyang pasasalamat nang naging coach niya si Julius dahil isa umano ito sa mga nagtulak sa kanya na huwag sumuko.
“My goal is to really inspire her and help her win the medal in the Olympics,” ayon kay Julius.
“That’s what really drove me to set aside my own personal goals. To help her and the Philippines somehow in any way I could.”
Credit: Sports U on ABS-CBN News YouTube
Maaalala noong 2019 nang nagkaroon ng interview si Hidilyn Diaz sa Magandang Buhay kung saan ay ibinahagi niya na umabot pa umano ng walong buwan bago makuha ni Julius ang kanyang buong tiwala. Inamin din ni Hidilyn na mas lumakas siya dahil sa tulong ng kanyang coach slash boyfriend na si Julius.
Marami man ang priorities sa buhay ni Hidilyn ay hindi umano siya iniwan at sinukuan ni Julius.
“Kasi siyempre, mahirap mahalin si Hidilyn Diaz. Kasi priority ko is God, weightlifting, family, medyo last siya. So, tanggap naman niya na hindi siya masyadong priority and siya mismo ang nagbibigay ng time for me. Doon ko siya na-appreciate sa buhay ko,” sabi ng Pinay weightlifter sa Sports U.
Credit: Sports U on ABS-CBN News YouTube
Nang tanungin sa isang panayam kung may plano ba silang magpakasal, ito ang isinagot ng boyfriend ni Hidilyn.
“We agreed. After the Olympics,” ang tanging sagot ni Julius.
Talaga namang ang Olympics ang nagbigay daan sa pagkikita ng dalawa at strong pa rin sila ngayon sa kanilang ikatlong taong magkarelasyon.
At ngayon ay looking forward na ang mga fans ni Hidilyn sa sinasabing kasal ng dalawa ngayong katatapos na Tokyo Olympics.