Binansagan bilang isa sa mga “millennial mayors” ng bansa, agaw-pansin ngayon hindi lang sa larangan ng pulitika kung hindi sa mundo rin ng social media ang 30 years old na Mayor ng San Manuel, Tarlac City na si Donya Tesoro.
Credit: @mayordonyatesoro Instagram
Bukod sa kanyang maayos na pamamalakad bilang mayor ng San Manuel, ay nakuha rin ni Donya ang atensyon ng netizens dahil sa taglay nitong ganda.
Mas naging popular si Dona Cresencia R. Tesoro o “Donya” sa social media nang sumali ito sa segment na “Bawal Judgmental” ng longtime Kapuso noontime show na Eat Bulaga.
Maraming nabighani sa taglay na ganda ni Donya. Bukod dito ay umani rin siyang ng maraming tagahanga dahil napatunayan ng batang mayor na hindi lang ganda ang kaya niyang ipagmalaki at ihandog sa publiko kundi pati na rin mga programa na makatutulong sa kanyang bayan.
Credit: @mayordonyatesoro Instagram
Mula sa mayamang angkan ng mga Tesoro sa Tarlac City ay kakabit nang pangalan ni Donya ang kasikatan.
Anak si Donya ng dating Mayor ng San Manuel at ngayo’y nagsisilbing Vice Mayor sa kanyang termino na si Bening Tesoro.
Bago manungkulan bilang Mayor ng Tarlac noong 2019 ay naging councillor muna si Donya ng San Manuel. Sa katunayan, 21 years old pa lang siya nang unang sumabak sa pulitika.
Credit: @mayordonyatesoro Instagram
Nagtapos si Donya sa kursong Communication sa Miriam College. Tinapos naman niya ang kanyang master’s degree in Public Administration sa Ateneo de Manila University.
Maraming nag-aakala na isang artista, beauty queen o modelo si Donya dahil sa kagandahan nito. Sa ilang pagkakataon ay natanong na ang dalaga kung bakit napili nitong maging pulitiko.
Sa kanyang panayam sa CNN Philippines noong July 2019 ay sinabi nitong, “I realized that when you’re in public service, you tend to make an impact more on a larger scale.”
Dagdag niya, “It’s really fulfilling when you are part of the change that is becoming in this country.”
Credit: @mayordonyatesoro Instagram
Sariling desisyon din ni Donya na magsilbi sa publiko ngunit malaking impluwensya ang kanyang ama para pasukin niya ang public service.
Dahil sa trabaho rin ay hindi muna raw prayoridad ng dalaga ang pagkakaroon ng lovelife. Aniya, “She is married to her job”.
Sa ngayon, prayoridad din ni Donya bilang Mayor ng San Manuel ang matulungan ang mga nakatira rito lalo na sa panahon ng p@ndemya. Patuloy ang pagbibigay relief goods nito sa mga tao. Bukod dito ay sinisigurado ring ni Donya na nagagamit niya ang social media para mapagsilbihan nang maayos ang kanyang bayan.
Samantala, bukod sa pagsisilbi sa bayan ay mahilig din ang batang mayora na mag-travel. Sa kanyang Instagram, ay makikitang napuntahan na ni Donya ang ilan sa mga magagandang bansa sa mundo kagaya ng Paris, Italy, Bali, Germany, China at marami pang iba.