Kilalanin ang sumisikat ngayon na security guard na nakuhanan ng isang netizen ng video na todo hataw sa pagsayaw

Trending ngayon ang isang security guard mula sa lungsod ng Butuan matapos siyang makuhanan ng video ng isang netizen na todo hataw sa pagti-TikTok. Kinilala ang naturang security guard bilang si Ryniel Pineda.

Credit: Ryniel Pineda Facebook

 

Ikinwenento ng kumuha at nag-post ng video na si Matet Gerona sa The Philippine Star na kasalukuyan umano siyang may inasikasong pasyente sa hospital kung saan ay security guard si Ryniel nang makita niya itong gumagawa ng TikTok video.

Credit: Matet Gerona Facebook

Ani Matet, “Nung time na ‘yun break time nila at nagbabantay po kami sa dialys!s pat!ent namin. Napakagaling niyang sumayaw, at tsaka nakakawala ng stress ‘yung pagsasayaw niya po.”

Sa mga hindi nakakaalam, ang TikTok ay isang social network app kung saan puwede kang gumawa ng mga video na nagli-lip sync ng mga kanta, kumakanta, sumasayaw o gumawa ng mga content.

Credit: Matet Gerona Facebook

Patok ito sa kahit sinong gustong aliwin ang sarili o nais magbigay saya sa ibang tao sa pamamagitan ng kanilang nakakaaliw na video content.

Ang video na ipinost ni Matet sa kanyang Facebook account ay malapit nang makahakot ng 5 million views.

Tuwang-tuwa naman ang maraming netizen kay Ryniel dahil sa kanyang mga TikTok dance move. Komento ng netizens:

“panis tayong lahat hahhahah galing! break time nya po yan”

Credit: Matet Gerona Facebook

“Galing nyang sumayaw. Kahit chubby sya ang lambot ng katawan, go lang kuya”

“Duty is life, but TikTok is lifer”

“salute..pra mapasaya ang iba kya nya nagagawa yan”

Credit: Ryniel Pineda Facebook

Samantala, ayon sa artikulong inilathala ng GMA News Online, si Ryniel ay dating dance choreographer.

Tila ginagawang libangan ni Ryniel ang pagsasayaw tuwing break time nito para mawala ang pagod at stress sa trabaho.

Sa ngayon, ay mayroon nang mahigit 500K na follower sa TikTok si Ryniel. Umabot na rin sa mahigit 4 milyon ang likes na nahakot ng kanyang TikTok account.

Credit: Ryniel Pineda Facebook

Ilan sa mga patok na TikTok dance videos ni Ryniel ay nang sayawin niya ang kantang ‘Dynamite’ ng Korean boy group na “Bangtan Boys” at ‘Ice Cream’ na isang collaboration song ng American Singer na si Selena Gomez at ng Korean girl group na “Blackpink”.

Isang achievement din para kay Ryniel nang di-nuet ni Bella Poarch ang kanyang mga TikTok video.

Si Bella Poarch ay isang 19-year old Filipina na naka-base sa Amerika na ngayon ay isa sa mga pinakasikat na TikTorist sa buong mundo. Sa panahong isinusulat ito ay mayroon ng mahigit 34 million follower si Bella sa TikTok.