Kilalanin ang sumisikat ngayon sa YouTube na architect na si Oliver Austria dahil sa kanyang videos na kapupulutan ng mahahalagang impormasyon

Kilala sa kanyang mga “Pinoy Architect Reacts To” at “Architecture Students Tips and Hacks” vlog, isa sa namamayagpag ngayon sa larangan ng Arkitektura at sa mundo ng vlogging sa Pilipinas ay si Architect Llyan Oliver Austria.

Credit: Saint Louis University- Louisian Page Facebook    

Dahil sa kanyang mga YouTube vlog na umaabot ng mahigit 1 million ang views ay marami ang “curious” kung sino nga ba si Llyan at paano niya narating ang tinatamasa ngayong tagumpay at kasikatan.

Si Llyan Oliver Fernandez Austria ay mula sa Baguio City. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Architecture sa Saint Louis University sa Baguio.

Credit: Saint Louis University- Louisian Page Facebook

Noong 2016 ay naipasa ni Llyan ang kaniyang licensure exam kung saan ay nakakuha siya ng rating na 81.50 at nag-rank bilang Top 5 sa buong Pilipinas.

Ngunit bago pa siya maging isang ganap na Architect ay inamin ni Llyan na dumaan siya sa matinding paghihirap noong nasa Architecture school pa lang siya.

Credit: Oliver Austria YouTube

Pagkukuwento ni Llyan sa isa niyang vlog, “The purpose of this channel is to help those of you out there who are really struggling with Architecture school because I struggled in Architecture school. I struggled real hard.”

Pag-amin din ni Llyan, “I was not the best during college. I had a few delayed subjects because I failed a few subjects and therefore I had a bunch of gaps on my schedule. So, yeah it took me 7 years to graduate.”

Ngunit dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Llyan, kaya maraming na-iinspire sa kanya hindi lang mga estudyanteng Pinoy na kumukuha ng kursong Architecture pati na rin mga mag-aaral ng iba’t ibang larangan.

Credit: Oliver Austria YouTube

Napatunayan ni Llyan ang kanyang malawak na kaalaman sa propesyong kinuha dahil sa maraming ideya at impormasyong ibinabahagi nito sa kanyang vlogs.

Mas tumingkad nga ang vlogging career ni Llyan nang gumawa siya ng kaniyang reaction videos sa mga bahay ng mga kilalang YouTuber kagaya nalang ng bahay ni Ivana Alawi na umabot sa 2.4 Million ang views at sa bahay ni Lloyd Cadena na nakakuha ng 6.6 Million views.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang YouTube channel si Llyan. Ang isang channel niya na ‘Oliver Austria’ ay inilalaan niya para sa kanyang “Pinoy Architect Reaction” videos na mayroong 1.32 million subscribers.

Credit: Oliver Austria YouTube

Mayroon namang higit 500 thousand subscribers ang kanyang ‘Llyan Austria’ channel kung saan ay gumagawa ng mga video si Llyan na makatutulong sa Architecture students.

Credit: Oliver Austria YouTube

Narito naman ang payo ni Llyan para sa mga nangangarap na maging Architect:

“The only thing that you need [to be an architect] is persistence and creativity. For those of you out there who are aspiring to be Architect or to become something that you’ve always dreamed of…keep on persisting. Don’t quit… And you’re going to become that ‘thing’ that you’ve always dreamed of.”