Karamihan sa atin ay napahiwalay ng matagal sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa p@ndemya. Ngunit salamat sa ating mga cellphone, computer at lalong-lalo na sa internet dahil nagagawa pa rin nating mapanatili ang ating koneksyon at makipag-usap sa mga mahal natin sa buhay kahit na ang mga ito ay milya ang layo mula sa atin.
Credit: Walter So Facebook
Ang nakakalungkot sa sitwasyon natin ngayon ay marami pa rin sa mga kababayan nating Pinoy ang wala pa ring computer o anumang gadget sa bahay na magagamit upang makausap at kumunekta sa kanilang pamilya.
Tulad na lamang ng isang ginang na pumupunta pa sa isang gadget store sa isang mall sa Makati City para lamang makigamit ng isang “demo” laptop upang makausap ang kanyang pamilya.
Isang netizen na nagngangalang Walter So ang kumuha at nagbahagi ng mga litrato sa social media kung saan makikita ang nasabing ginang na nakaupo habang ginagamit ang isang laptop na pang-demo.
Sa kanyang personal Facebook page ay ikinuwento ni Walter na malaya at walang bayad na pinapagamit ng mga empleyado ng nasabing tindahan ng gadget ang ginang sa kanilang demo laptop upang makausap umano nito ang mga mahal nito sa buhay.
At marahil dahil madalas na naroon ang ginang kaya naman kilala na ito ng mga empleyado. Sa katunayan, “nanay” na ang tawag ng mga empleyado sa nasabing ginang.
Ipinahayag naman ni Walter ang kanyang labis na paghanga sa mga empleyado ng nasabing gadget store dahil sa walang pag-aalinlangan na pagtulong ng mga ito kay “nanay”.
Ibinahagi ni Walter na tinuruan pa ng mga empleyado si “nanay” kung paano gamitin ang demo laptop. Siyempre, dahil matanda na ang ginang kaya naman hindi nito masyadong kabisado ang paggamit ng computer.
Ani Walter, “C0VID has brought challenges for everyone, families have not seen each other for the longest time, it’s good that technology enables us to at least virtually keep in touch, at least for those who can afford.”
Credit: Walter So Facebook
Dagdag niya, “But for those that can’t, there are people like these employees who give a helping hand. Good job!”
Samantala, maraming netizens ang naantig sa kwento ni “nanay” at humanga sa kabutihan ng mga empleyado ng nasabing gadget store. Heto ang ilan sa kanilang naging komento sa kwento ni “nanay”:
“Great customer service…incomparable esp at this time of the pandemic… Your company will be blessed…”
“God bless your bisnis more blessing….. Truly a small deed of kindness occupy the biggest part of their lives”
“Anumang gadget store to…. salamat for being kind and may GOD bless you with more sales and owner and staff be blessed more!”