Lalaking nagsimula ng negosyo sa puhunang P5K, meron na ngayong sariling bahay at lupa at mga sasakyan!

Walang imposible sa taong may pangarap, ika nga.

Pinahanga at nagbigay ng inspirasyon si Tom Daquiaog para sa mga katulad niyang nagne-negosyo. Marami naman ang halos hindi makapaniwala nang inamin niyang nagmula lamang ang kanyang negosyo na palaman sa 5, 000 na puhunan hanggang sa napalago niya ito.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Sa isang ulat ng Unang Hirit ay ibinahagi ni Tom ang kanyang karanasan bilang isang negosyante.

Taong 2016 umano nang sumikat ang yema cake at dito rin nakakuha ng ideya si Tom na gumawa ng “yema spread”. Upang magtagumpay ang sinimulang negosyo na palaman ay pinag-aralan niyang mabuti ang kabuuang proseso nito.

Sa pagsisimula ni Tom ay siya umano ang gumawa ng lahat mula sa sales, pagbili ng mga raw materials, pagluluto o paggawa, pagbebenta, at hanggang sa pagde-deliver ng mga produkto sa kanyang mga buyers.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Nagbunga naman ang lahat ng kanyang pagsusumikap dahil hindi kalaunan ay pumatok ang kanyang “yema spread” hanggang sa dumami na nga ang kanyang mga buyers. Sa patuloy na paglago ng negosyo ni Tom ay sumabak na rin siya sa paggawa ng iba’t-ibang flavors katulad na lamang ng ube halaya, matcha, at mango caramel.

Ayon kay Tom, may mga panahon din na sinusubok ng panahon ang kanyang katatagan bilang isang negosyante. May mga pagkakataon pa rin na nalulugi at nabibigo si Tom pero ginawa niya itong inspirasyon upang magpatuloy.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

“Nagkaproblema kami sa shelf life. Iyong mga distributor namin na na-establish namin, nagreklamo lahat,” sabi ni Tom.

Umabot pa nga raw ng 100,000 pesos ang perang nalugi ni Tom sa negosyo pero ayon sa kanya, “consistency” umano ang susi sa tagumpay ng isang negosyo.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

“Importante ang tinatawag nilang consistent. Kung nagkamali ka ngayon, kailangan bumangon ka. ‘Yun po iyong dapat nating gawin. Kung nagkamali ulit, bumangon ulit,” sabi ni Tom.

Dahil dito ay talagang itinuon ni Tom ang kanyang buong atensyon sa pag-aaral kung paano ma-preserve at mapanatili ang sarap ng kanyang “yema spread” sa mahaba-habang panahon.

Credit: Unang Hirit on GMA Public Affairs YouTube

Dahil sa tiwala ni Tom sa sarili na mapagtatagumpayan niya ang kanyang negosyo ay nagawa niya itong palaguin at ngayon ay may sarili na ngang pagawaan kung saan nakakagawa sila ng 1000 hanggang 3000 na bote ng palaman bawat araw.

Mula sa kanyang puhunan na 5,000 pesos ay mayroon na siya ngayong bagong bahay at lupa, mga magagarang sasakyan, sariling pagawaan ng palaman, at ngayon ay kumikita na siya ngayon ng 100,000 pesos kada buwan.

Ngayong Setyembre ay inaasahang matitikman na ang “yema spread” ni Tom sa ibang bansa dahil sa wakas ay sasabak na siya sa page-export ng kaniyang produkto.