Lalaking nagtrending matapos makitang nagdedeliver kasama ang kanyang baby, nakatanggap ng tulong mula sa netizens!

Marami ang humahanga ngayon sa amang si Hershey Manuel matapos kumalat ang kanyang mga larawan sa social media kung saan kasama niya ang kanyang sanggol na anak habang matiyagang nagde-deliver ng pagkain sa mga customer gamit lamang ang isang lumang bisikleta.

Credit: Jeremiel Flores Quinto

Sa hirap ng buhay, kinailangan ni Hershey na isang Food Panda delivery rider na magsumikap para sa kanyang pamilya lalong-lalo na para sa kanyang sanggol pa lamang na anak. Ngunit dahil wala siyang mapag-iwanan sa kanyang anak kaya naman bitbit niya ito habang nagde-deliver. Ayon kay Hershey, maging ang kanyang asawa ay nagtatrabaho rin umano kung kaya’t sinasama niya ang kanilang anak sa kanyang trabaho.

Nakuhanan nga ng ilang netizens ng larawan si Hershey habang nagde-deliver kasama ang kanyang anak na nakalagay lamang sa maliit at masikip na basket ng kanyang bisikleta. Sa viral na mga larawan naman ni Hershey ay makikitang pinapa-d3de pa niya ang kanyang anak habang nasa kalagitnaan ng kanyang paghahanap-buhay. Mula umaga hanggang gabi ay kasama nga ni Hershey ang kanyang anak habang siya ay nagde-deliver.

At matapos mag-viral ang litrato ni Hershey, hindi maiwasan ng maraming netizens na maantig. Marami ring netizens ang mabilis na nagpadala ng tulong para kay Hershey at para sa kanyang baby.

Ilang netizens ang nagpadala ng pagkain at mga pangangailangan ng sanggol kay Hershey. Nakatanggap din siya ng cash donations mula sa maraming tao.

Credit: Hershey A Manuel Facebook

Sa Facebook, isang Jawo Motovlog account ang nagbahagi na dinala niya si Hershey sa grocery para bilhan ng mga grocery at ilang kailangan ng anak nito.

“Nakita ko na si food panda rider na may kasamang baby…nag grocery kami at sobrang napasaya natin siya. Saludo kami kuya sa sipag mo! Godbless you and sa family mo,” pahayag ng nasabing netizen.

Samantala, ipinahayag ni Hershey sa isang post ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Aniya, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbigay po ng tulong samin ng anak ko. Pati po sa mga nagpadala sa gcash. Lahat po ng pera, gammit at pagkain na pinadala nyo ay malaking tulong po sa aming pamilya.”

Credit: Hershey A Manuel Facebook

“Lubos po akong nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya na natatanggap ko. Pagpalain po kayong lahat ng Panginoon,” dagdag ni Hershey.