Lalaking sanggol na todo ang tawa at hagikhik sa kanyang binyag, viral ngayon sa social media!

Tunay nga na isang “bundle of joy” ang mga bata dahil sa natural nilang cuteness at actions, nakapagbibigay lang naman sila ng labis na katatawanan katulad na lamang ng batang lalaki na umani ng sari-saring reaksyon kumakailan lamang dahil sa kanyang pagtawa sa kalgitnaan ng ceremony ng kanyang binyag.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Kahit wala mang gawin, bigla na lamang tayong nanggigigil sa cuteness ng mga bata kaya maya’t maya talaga ang pagpapaulan natin ng praises at kisses sa kanila. Dahil sa kanilang innocence, mas nadadagdagan pa ang kanilang pagiging adorable katulad na lamang ni baby Xyrel na walang kamuwang-muwang kung gaano ka-solemn ang ceremony ng kanyang binyag dahil tumatawa at humahagikhik lang naman ito!

Sa video na ibinahagi ni Chinee Cyrel na siyang Mommy ni baby Xyrel sa Facebook, mapapanood na super tahimik ang lahat habang nagre-recite ang pari ng prayer nang bigla na lamang tumawa at humagikhik ang apat na buwang sanggol na tila ba’y may nagpapatawa sa kanya ng husto.

Dahil sa nakakahawang pagtawa ni baby Xyrel, hindi na rin napigilan ng kanyang parents at ng mga taong present sa ceremony ng kanyang binyag na matawa na rin dahil sa pagiging bibo ng sanggol.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Ayon sa Mommy ni baby Xyrel, hindi umano niya inasahan na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang anak dahil buong akala umano niya, mababagot o hindi kaya’y mahimbing lamang itong matutulog habang binibinyagan kaya talagang na-shookt siya nang makitang masaya at nag-eenjoy ang chikiting sa kabuuan ng ceremony.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

“I was not expecting this to happen. I was worried that he might be sleepy or irritable when we were about to start it, but I am so happy and surprised to see my son happy and enjoying himself,” sabi ng Mommy ni baby Xyrel.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Dahil sa innocence ng mga bata, wala talaga silang kaalam-alam kung ano ang tamang gagawin sa certain na events at ang supposedly solemn na binyag ay nauwi lang naman sa epic at memorable na ceremony na forever umanong aalalahanin ng parents ni baby Xyrel.