Madalas nating marinig ang mga kwento ng mga kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) na nanghihingi ng tulong na makauwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon dahil nakakaranas sila ng hindi maganda mula sa kanilang mga banyagang amo.

Sa mga karanasan na ito ng mga OFW kaya nakatanim na sa ating isipan na maging maingat sa paghahanap ng mga foreign employer. Nagsisilbing leksyon din para sa atin ang mga kwento ng mga OFW na nakaranas ng hindi magandang pagtrato mula sa kanilang amo na dapat talagang lehitimo ang mga employer o agency na pinag-aapplayan natin.
Marami na kasing nagsilipanang mga recruitment agency ngayon na mapagsamantala at hindi lehitimo.

Sa kabila naman ng mga masalimuot na kwentong ito, ay mayroon din namang mga OFW ang naging mapalad dahil nakatagpo sila ng isang mabait na banyagang amo.
Kabilang dito ang kwento ng kasambahay na nakatanggap ng maayos na pagtatrato mula sa kanilang pinagsisilbihan banyagang pamilya na mapapanood sa video na ipinost ng Facebook page na “I Love Natividad”.
Sa video ay makikitang sabay na kumakain ang mga Pinay kasambahay kasama ang kanilang mga Arabong amo.

Bihira makakita ng mga banyagang amo na pinapayagang makisalo sa hapagkain ang kanilang mga kasambahay.
Kapansin-pansin din ang tuwa sa mga mukha ng mga Pinay OFW habang kumakain kasama ang kanilang amo.
Napakagandang panoorin ng video dahil ipinapakita nitong may mga mababait pa ring mga banyagang amo na labis na pinapahalagahan ang kanilang mga kasambahay.

Caption ng nasabing video, “Bihira makatagpo ng ganitong kabait na among arabo na ituring kang tunay na kapamilya lalo na sa hapagkain….Allah bless you Baba”
Kaagad namang nag-viral ang video at sa panahong isinusulat ito ay mayroon na itong mahigit 200K views.
Narito naman ang komento ng netizens sa magandang pakikisama ng banyagang pamilya sa kanilang mga Pinay kasambahay.

“I hope everyone like you…a good heart and kind…”
“Magandang ugali nila, mga makatao, God Bless you and your Family Babah”
“Thank you for treating them like your own family”