Mag-inang may kondisyon na dwarf!sm, naghahatid ng good vibes ngayon sa TikTok

Good vibes ang hatid ng isang mag-ina mula sa probinsya ng Sultan Kudarat na sina Mariezl “Barbz” at Mary Bacala sa maraming netizens dahil sa kanilang mga nakakaaliw na TikTok video.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Sa kabila kasi ng pagkakaroon nila ng kondisyon na dwarf!sm ay hindi ito alintana ni Barbz at ng kanyang anak na si Mary, makapaghatid lamang sila ng kasiyahan sa maraming netizens sa TikTok.

Libu-libong likes at umabot pa sa mahigit 1 million ang nakapanood na sa mga dance videos at iba pang content sa TikTok nina Barbz at Mary.

Marami naman ang natutuwa sa kanilang mag-ina lalo pa’t puno ng good vibes ang kanilang mga TikTok video at may talento rin silang mag-ina sa pagsayaw.

Samantala, nakapanayam kamakailan ng Kapuso show na “On Record” si Barbz kung saan ay ikwenento niya ang kanyang kasiyahan dahil sa mga nakukuha nilang maraming positibong reaksyon mula sa netizens sa kanilang mga TikTok video.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Pag-amin pa ni Barbz, mas nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili mula nang magsimula siyang gumawa ng mga video sa TikTok. Dagdag pa ni Barbz, masaya siyang makapagbigay ng saya sa ibang tao sa pamamagitan ng mga video nilang mag-ina.

Aniya, “Parang normal din sa amin, masaya kami tapos feel na feel namin ‘yung sayaw para mapasaya rin ang mga tao.”

Ngunit sa kabila ng pagiging masayahin ni Barbz, ibinahagi niya ang ilang pagsubok na pinagdaanan niya dahil lamang sa kanyang kondisyon. Lingid sa kaalaman ng marami, isang genetic condition ang dwarf!sm o isang kondisyon na namamana. Ang mga taong mayroong dwarf!sm ay kulang sa tangkad at tinatayang hindi lalagpas sa 4 na talampakan ang tangkad.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Sa kanilang pamilya ay namana ni Barbz ang kondisyon sa kanyang ina na si Liezl na may dwarf!sm din, habang namana naman sa kanya ng kanyang 4-anyos na anak na si Mary ang pagkakaroon ng naturang kondisyon.

Ikwenento ni Barbz na bata pa lamang siya ay naging sentro na siya ng tukso mula sa mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang kondisyon. Bukod dito, naranasan din umano niyang hindi matanggap sa kanyang in-applyang trabaho dahil sa kanyang kondisyon.

Ani Barbz, “Naghahanap ako noon ng trabaho, walang tumatanggap sa akin kasi maliit ako, ganito.”

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Gayunpaman, sinabi ni Barbz na proud silang mag-ina dahil nakakapagpasaya sila ng maraming tao sa kabila ng kanilang kondisyon. Ibinunyag naman ni Barbz na maraming tao ang natutuwa at nagpapaabot ng tulong para sa kanilang mag-ina.

Aniya, “Proud po kami kahit ganito lang po ako. Happy din ako sa kanya (Mary) kahit ganito lang siya. Marami ‘yung mga tao na natuwa sa kanya. Kahit anong kailangan namin binibigyan kami ng mga tao.”

Sa kasalukuyan, pumalo na sa mahigit 11,000 ang followers nina Barbz sa TikTok.