Magkaibigang kumain sa isang restaurant, nagulat nang may magbayad na di nila kakilala ng mga kinain nila

Wala talaga tayong kaalam-alam kung gaano kalaki ang epekto ng ating bawat salita o galaw sa ibang tao hanggang may nangyayari kung saan ay nagkakaroon tayo ng malalim na realization katulad na lamang ng magkaibigang hindi kailanman inakalang magsisilbi pala silang instrumento upang mas mapatatag pa ang pananalig ng iba na may natitira pa palang kabutihan sa mundo.

Credit: 11:11 Facebook

Ang buhay ay walang kasiguraduhan kaya wala talaga tayong clue kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa. Hindi rin natin alam kung sinu-sinong mga tao ang ating makikilala at kung anong klaseng impluwensya ang maibibigay nila sa atin pero para sa isang estranghera na na-meet ng magkaibigang sina Nico Niklaus at Julz Sebastian, isa umanong malaking blessing ang kanilang presence.

Sa post na ibinahagi ni Atty. Niklaus sa Facebook noong Biyernes, January 13, ikinuwento niya ang wholesome na experience nila ng kanyang kaibigan na si Julz nang kumain sila sa isang restaurant.

Of course, hindi talaga mawawala ang chikahan. Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang epektibong manifestation kung saan ay ibinahagi ni Nico ang kanyang makabuluhang insight tungkol sa Mark 11:24 sa Bible na “whatever you ask for prayer, believe that you have received it, and it will be yours.”

Sa kanilang pag-uusap, aware umano silang pareho ni Julz na nakikinig ang babaeng mag-isang nakaupo sa kabilang lamesa pero hindi lamang pala simpleng pangiti-ngiti ang ginawa ng babae dahil na-shookt na lamang silang pareho nang nalamang bayad na pala ang kanilang bill.

Credit: 11:11 Facebook

Nang hiningi ni Julz ang receipt holder mula sa waitress, doon umano niya nakita ang nakaipit na tissue kung saan mababasa ang “Your presence blessed me today. Proverbs 11:25. I hope you pass on the kindness. God bless.”

Nang mabasa ang nakasulat, kaagad umano na napa-search si Nico sa Proverbs 11:25 na “A generous person will prosper; whoever refreshes others will be refreshed.”

Sa bonding sesh na ito ng magkaibigang sina Atty. Niklaus at Julz, hindi umano nila kailanman inakalang magkakaroon sila ng ganitong klaseng karanasan sa kanilang buong buhay dahil sa simple nilang usapan ay nakapagdulot na pala sila ng kasiyahan at kaginhawaan sa ibang tao.