Sinong nagsabi na distraction lamang ang love life sa pag-aaral? Muli lang namang pinatunayan ng couple na si Eunice Santiago at Reynell Sanchez na hindi hadlang ang pagkakaroon ng jowa sa kolehiyo bagkus ay inspirasyon pa nga ito na magtutulak sa atin tungo sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Credit: Eunice Santiago Facebook
Ayon sa iilan, nakakabobo umano ang pag-ibig pero bakit nakakatalino ito para sa lovebirds na sina Eunice at Reynell? Lahat naman ng kurso ay mahirap at challenging kaya kinakailangan talaga natin ng ultimate na inspiration upang magpatuloy at lumaban. Para sa Mechanical engineering couple na sina Eunice at Reynell, ang kanilang presence ang nagsisilbing motivation nila sa araw-araw.
Sa paglabas ng resulta sa engineering na board exam, marami talaga ang nagbunyi sa kanilang achievement pero agaw-pansin talaga ang #couplegoal ni Eunice at Reynell dahil hindi lamang sila basta-bastang pumasa kundi ay parehong naging topnotcher!
Si Reynell ang Top 1 sa board exam na may rating na 94.90 habang Top 6 naman ang girlfriend niyang si Eunice na may rating na 93.25. Pareho rin silang grumadweyt ng cum laude sa Rizal Technological University. Sobrang ideal talaga ng couple na ‘to!
Credit: Eunice Santiago Facebook
Sa milestone nila ng boyfriend, proud talaga na ibinahagi ni Eunice sa publiko ang kasiyahang nararamdaman. Sa amazing nilang kuwento, pumatok at kinagiliwan talaga ito ng netizens.
“Hi babe, WE MADE IT🥺!!! Congratulations! Grabe Top 1, di na kita ma’reach 😆,” pahayag ni Eunice sa unang bahagi ng kanyang Facebook post.
Dagdag pa niya, “Kidding aside, I just want you to know how thankful I am to you, for always being there for me, for always calming me down and for always complimenting me that i deserve the Title I have.”
Sa pambihirang milestone ng couple, kaliwa’t kanan talaga ang pagbuhos ng pagbati at magagandang comments mula sa netizens. Sa bigating achievement na ito ni Eunice at Reynell, ilang beses na talaga silang na-feature sa iba’t-ibang media outlet kung saan ay nabigyan sila ng opportunity na ibahagi ang kanilang love story.
Credit: Eunice Santiago Facebook
Sa interview ng ABS-CBN news, ibinahagi ni Eunice na napakalaking tulong ng teamwork sa paghahanda nila sa board exam.
“Napaganda rin po na magkasama po kami mag-review dahil nga po kapag dumadating po yung times na distracted o tinatamad po kami nandiyan yung isa para po mag-motivate,” sabi niya.
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay distraction ang pagkakaroon ng lovelife sa pag-aaral basta ba’t maayos nating nababalanse ang ating priorities. Para kay Eunice at Reynell, inspiration at motivation nila ang isa’t-isa.