Magpinsan sa Albay, winner sa puso ng netizens dahil sa murang benta sa bigas

Hindi na talaga biro ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil patuloy lang naman itong tumataas. Kaya malaking bagay talaga ang pagkakaroon ng bagsak na presyo sa iilang pangangailangan katulad na lamang ng bigas at iba pang pagkain.

Credit: Dindo Bataller Facebook

Simula nang nagkaroon ng p@ndemya, marami talaga sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahilan kung bakit ramdam na ramdam talaga ng karamihan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ngunit kahit na’y lahat ay apektado sa krisi$ na ito, mayroon pa ring mga tao na pinipiling mag-abot ng tulong upang maibsan man lang kahit papaano ang bigat sa puso at bulsa ng karamihan sa atin na labis na nangangailangan.

Sa pangunguna ni Rechi Susarno o kung tawagin niya ang kanyang sarili bilang si “Kakampink 101,” marami ang na-inspired sa ideya at initiative niyang magbenta ng isang kilo ng bigas na nagkakahalaga lamang ng 20 pes0s.

Credit: Dindo Bataller Facebook

Dahil sa inspirasyong ibinigay niya, napagdesisyunan ni Dindo Bataller na isang magsasaka sa Ligao City, Albay kasama ang kanyang pinsan na isang owner ng rice mill na si Elena Cascante Kipshoven na ipagpatuloy ang nasimulan ni Kakampink 101 dahilan kung bakit labis na natuwa ang kapwa nila taga-Albay dahil tunay nga namang malaking tulong ito sa karamihan.

Dahil sa kabutihang-loob na ipinamalas ng magpinsan, talagang nakaabot ito sa atensyon ng kapwa nating mga Pinoy sa iba’t-ibang sulok ng bansa kung saan ay tinawag sila bilang “Kakampink 102”.

Credit: Dindo Bataller Facebook

Ayon sa magpinsan, sampung sako ng bigas umano ang inilaan nila sa programang ito at kahit na’y malaking pera man ang kanilang nagastos, hindi naman nila inalintana ang kawalan ng profit dahil ang nais lamang nila ay ang makatulong sa mga taong kapos sa pera at sa mga mas nangangailangan.

Credit: Dindo Bataller Facebook

Pagbabahagi pa ni Bataller, kapwa umano niyang mga magsasaka ang umani sa sampung sako ng bigas kaya mas fulfilling talaga sa pakiramdam na makita ng diretsahan kung saan napupunta at kung sinu-sino ang mga nakikinabang sa mga ito.

Credit: Dindo Bataller Facebook

Kahit na’y marami man tayong problemang kinakaharap at magkakaiba man ang personal nating mga laban sa buhay, nananatili pa rin ang spirit ng pagtutulungan at pagkakaisa.