Manifestation ng isang maswerteng empleyado noong Christmas party nila, dininig ng universe!

Tunay nga na wala tayong mapapala sa buhay kapag hindi tayo kakayod pero may mga pagkakataon talaga na napapahiling na lamang tayo sa ating sarili na sana’y may isang malaking blessing na dumating o hindi kaya’y magkaroon ng pag-asa na sana’y dinggin ng universe ang ating hinihiling at ano pa nga ba ang perfect na event para nito kundi ay isang Christmas party?

Estudyante o empleyado man, kinasasabikan talaga nating lahat ang program na madalas idinadaos tuwing Disyembre. Hindi lamang bigayan ng regalo ang nangyayari sa Christmas party lalong-lalo na sa malalaking institusyon katulad ng Gentri Docs sa Cavite dahil sa kanilang bonggang pa-raffle!

@yanyan.ph What if mapili sa raffle nga hahaa #fyp ♬ Funny Song – Cavendish Music

Sa Christmas party ng Gentri Docs kumakailan lamang, kabilang ang malaking smart TV sa kanilang bigating prizes kaya marami talaga sa mga empleyado ang nag-aasam na mapanalunan ito pero tila’y walang makakatalo sa pagiging malakas ni Ian Almario sa manifestations dahil bago pa man ang naganap ang party, hinihiling na talaga niyang mapapasakanya ang TV. Sa katunayan, sobrang confident pa nga niya na siya ang mabubunot sa raffle dahil sa Tiktok video na in-upload niya nitong ika-7 ng December, mapapanood na sinusukat na niya ang TV na naka-display sa kanilang office at sinubukan kung maangkas ba niya ito sa kanyang motor. Makaraan nga ang ilang linggo, tila’y nadinig ng universe ang kanyang panalangin dahil ang kanyang pangalan lang naman ang nabunot sa raffle!

Sa sobrang tuwa, kaagad siyang nagtungo sa stage at inangkin ang napanalunang TV. Marahil ay dahil ilang linggo rin niya itong ipinagdarasal, hindi na talaga siya nakapaghintay at kaagad na kinarga ang TV pababa papunta sa kanyang motor kahit na’y hindi pa natatapos ang party na siya namang kinagiliwan ng netizens.

@yanyan.ph Replying to @@TweetyBird_17 “𝑡𝒐 π’Žπ’π’“π’† π‘΄π’‚π’π’†π’‡π’†π’”π’•π’Šπ’π’ˆ” Part 2 .Thank you Gentri Docs ito pinakaMasayang pasko ko . Part 3 – pano ko dinala sa parking area ang tv haha #fyp #manefesting ♬ The Good Part – AJR

Kahit na’y kinailangan niyang bumaba mula sa ikawalong palapag papuntang parking lot ng hospital, hindi man lang inalintana ni Ian ang pagod na nararamdaman dahil sa labis niyang kasiyahan.

Sa simple niyang “what if,” kaagad naman na napalitan ng “No more manifesting” ang kanyang caption sa Part 2 ng kanyang Tiktok video kung kaya’t marami talaga ang naaliw at nagpahayag ng kani-kanilang positibong mga komento.

“wow!!! galing!!! Congrats po!!”

“Ang galinggg. Congratulations!!! Eto pala techniqueπŸ˜‚πŸ˜‚”

“grabe ang manifesting neto πŸ₯°”

“ganon pala secreto sa pa raffle πŸ˜‚”

@yanyan.ph Replying to @Shengphil Ignacio nahanap na yung motor kaso kinabukasan na inasikaso gawa pagod haha. Ito na po iuuwi ko na ,sa tulong den ng mga kaworkmate ko 😁😁 PS. Sa mama kopo itong motor na gamit ko #manifesting #fyp ♬ Sama-Sama – Ex Battalion

Sa napanalunang prize ni Ian Almario sa raffle, aminado talaga siya na mas dumoble pa ang kasiyahan niya ngayong pasko!