Kung hindi mapalad dito sa Pinas ay baka nasa ibang bansa ang ating swerte pero tila’y nasa ibang level na naman ang luck na meron ang isang OFW sa Dubai dahil sa lahat ng swerteng maaaring mangyari sa kanyang buhay ay sa lotto pa talaga siya nag-jackpot!
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Tunay nga naman na kinakailangan nating kumayod at magsumikap upang mapaunlad natin ang sarili at makamit natin ang ginhawa sa buhay pero minsan, hindi rin natin napipigilan ang sarili na umasa sa swerte kaya kahit ilang beses man na mabigo, sinusubukan pa rin nating tumaya sa lotto pero tila’y sinagad naman ng isang OFW sa Dubai na si Russell Tuazon ang kanyang swerte dahil sa pinakaunang subok niya sa Emirates Draw ay nagwagi lang naman siya ng limpak-limpak na salapi.
Sa latest na episode ng KMJS, featured ang awe-inspiring na kuwento ni Russell bilang isang OFW sa Dubai kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang “humble beginnings”.
Laki sa hirap si Russell at matapos nalugi ang negosyong jewelry ng kanyang ama, mas lalo nilang naramdaman ang pait ng buhay lalo na’t wala rin umanong trabaho ang kanyang ina. Dahil sa labis na kahirapan, madalas silang hindi nakakakain ng kanyang pamilya ng tatlong beses sa isang araw at hindi rin nila naipagpatuloy ng kanyang kapatid ang kanilang pag-aaral.
“Bata ka, nakikita mo ‘yung parents mo na nagsta-struggle. Wala kaming malapitan. Walang kang mahiraman ng pera. Kumakain ka lang once a day. Sobrang hirap,” pagbabalik-tanaw ni Russell.
Sa kagustuhang maahon sa kahirapan ang pamilya ay nakipagsapalaran si Russell sa Dubai ng 15 taon. Sa nakalipas na panahon, papalit-palit siya ng trabaho hanggang nakahanap nga siya ng stable na work at na-promote bilang manager.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Ayon kay Russell, ilang ulit na umano niyang sinubukang tumaya sa lotto dito sa Pinas pero sa kasawiang-palad ay hindi siya nanalo hanggang biglang sumagi sa kanyang isipan na tumaya sa Emirates Draw noong Enero 13, 2023 pero hindi niya naman kailanman inasahang mananalo siya ng 15 Dirhams o 224 milyong peso!
Sa katunayan, naging skeptical pa nga si Russell dahil tumaya siya sa saktong araw ng Friday the 13th pero tila’y kabaliktaran naman sa kamalasan ang kanyang naranasan dahil isang malaking swerte lang naman ang nangyari sa kanyang buong buhay.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Sa malaking blessing na kanyang natanggap, may plano na siya kung paano ito gagamitin. Ayon sa kanya, bibigyan umano niya ng maganda at maginhawang buhay ang pamilya, magtatayo ng negosyo, insurance at eskwela plans para sa kanyang anak.
Lahat tayo ay may swerte sa buhay at sadyang sa lotto nakatadhana ang magandang kapalaran ni Russell.