Mga estudyante ng Ateneo de Manila University, nasungkit ang kauna-unahang trophy ng Pinas sa pinakamalaking debate tournament sa buong mundo!

Hindi lamang talento sa pagsayaw o pagkanta ang ipinagmamalaki nating mga Pinoy dahil kayang-kaya rin nating makipagtagisan ng talino at muli lang naman itong napatunayan nang matagumpay na nasungkit ng Pinas ang kauna-unahang trophy sa pinakamalaking debate tournament sa buong mundo!

Credit: Office of Student Activities-Ateneo Facebook

Hindi na bago para sa atin na makatanggap ng mga balita tungkol sa pagkakasungkit ng Pinas ng panibagong karangalan sa iba’t-ibang international na competition na kanilang sinasalihan pero kakaiba pa rin talaga sa feeling kapag nababanggit na “world class” ang talento nating mga Pinoy pero hindi lamang limited dito ang kaya nating gawin dahil kering-keri rin nating manguna kung tagisan ng talino lang din naman ang pag-uusapan.

Credit: Office of Student Activities-Ateneo Facebook

Sa 2023 World Universities Debating Championship (WUDC) na ginanap sa Madrid Spain nito lamang ika-27 ng Disyembre hanggang January 4, pambato ng Pinas ang Ateneo team na binubuo ni David Africa at Toby Leung na parehong nag-aaral sa kursong BS Applied Mathematics. Sa kompetisyong ito, nakipagtagisan sila ng galing laban sa higit 260 teams mula sa iba’t-ibang unibersidad sa buong mundo at kabilang na nga sa mga ito ay ang Harvard, Princeton, Stanford, National University of Singapore, London School of Economics, Tel Aviv University sa Israel, Sofia University sa Bulgaria at marami pang iba.

Sa intense na competition na ito, matagumpay na nalampasan ng Ateneo team ang siyam na elimination rounds at iilan pa na break rounds hanggang sa umabot nga sila sa grand finals.

Sa katunayan, ikatlong taon na ito ng Ateneo na makatungtong sa finals pero ngayon lamang nila tuluyang nasungkit ang trophy. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon ng Pinas na manalo sa nasabing tournament kaya kaliwa’t kanan talaga ang pagbating natatanggap ni Africa at Leang dahil ginawa lang naman nilang posible ang noo’y inaakala nating imposible.

Credit: Office of Student Activities-Ateneo Facebook

Of course, maliban sa kapwa nating mga Pinoy na sobrang proud sa remarkable na achievement na ito ng Pinas, labis din na ipinagmamalaki Ateneo Debate Society ang milestone na nakamit ng kanilang team at sinabing, “an enormous feat that no other Filipino team has succeeded in since its conception.”

Credit: Office of Student Activities-Ateneo Facebook

Tunay nga na kakaiba ang talas ng isip ng mga Pinoy. Congratulations, Ateneo team!