Marami nang mga nauuso sa araw ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Kasama na dito ang First Look kung saan ay unang masisilayan ng groom ang kanyang bride bago pa man sila maglakad sa altar.
Credit: Amavi Studios Facebook
Kakaiba ang inihandang surpresa ng mga kaibigan ng groom na ito para sa ginanap ng first look sa kasal ng kanilang kaibigan. Makikita sa video na ipinost sa Facebook page ng Amavi Studios ang mga nakakatawang pangyayari. Sa post ay tinukoy ang groom na si Brylle.
“First look.. with a twist! Lablab guys Shera and Brylle 💕” ito ang naging caption sa naturang post.
Sa umpisa ay makikitang nagiging emosyonal na ang groom kahit na nakatalikod pa lang ito. Makikita din sa video na imbes na ang tunay na bride ng groom ang makakasama nito sa first look ay ang kaibigan nito na nakasuot ng wedding gown ang nag-aabang sa pagharap ng groom.
Credit: Amavi Studios Facebook
Patuloy na naging emosyonal ang groom kahit na humarap ito at patuloy na nakapikit ang mata. Unti-unti nitong hinawakan ang kamay ng kaibigang nagpapanggap na kanyang bride. Nang imulat ng groom ang kanyang mata ay laking gulat nito na kaibigan niyang lalaki ang kaharap niya.
Credit: Amavi Studios Facebook
Napuno ng tawanan ang buong lugar dahil sa inihandang prank ng mga kaibigan ng groom para sa kanya. Napayakap na lang ang groom sa kaibigan habang hindi mapigilan ang pagtawa dahil sa nangyari.
Credit: Amavi Studios Facebook
Habang isinusulat ito ay umabot na sa 4 million views ang naturang video na talaga namang nagpahalakhak din sa mga nakapanood nito. Ito ang naging komento ng mga netizen sa naturang video:
“Proud na may mga barkada or frens to make u happy so proud all the memories that they made is unforgettable”
Credit: Amavi Studios Facebook
“Superb! It was a perfect plan. Amazing frndship…”
“Magkaroon ka ng dabarkads na ganito kakulet mag isip. F na f pa naman ni groom bago maimulat ang mata. Make weddings memorable. Nakakahappy. Congrats sa newly weds. Best wishes.”