Mga netizen, hinangaan ang isang college student na nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagiging isang delivery rider

Ngayong panahon ng qu@rantine ay nagsilipana ang napakaraming delivery riders, handang maghatid ng serbisyo, lalong-lalo na ng mga pagkain at iba pang essential goods para sa maraming Pinoy na hindi makalabas sa kani-kanilang bahay.

Credit: @gocavite Facebook

Marami na rin ang pinasok ang pagiging delivery rider, babae man o lalaki, para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kabilang naman ang ilang mga estudyante sa mga masisipag na nagtatrabaho bilang delivery rider upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral.

Tulad na lang ng matagal nang delivery rider ng isang delivery company na si Oliver Calope mula sa Cavite City.

Viral ngayon sa social media ang kwento ni Oliver. Ito ay matapos niyang ibahagi sa isang Facebook group na dahil sa pagiging delivery rider kaya niya napagtapos ang kanyang sarili sa kolehiyo.

Credit: @oliver.calope Facebook

Sa Facebook post ni Oliver ay makikita ang kanyang graduation picture kung saan ay bitbit niya ang bag at uniporme ng delivery company na kanyang pinagtatrabahuhan.

Malaki ang ngiti ni Oliver sa letrato at halatang sobrang proud siya dahil sa pamamagitan ng pagiging isang delivery rider ay napagtapos niya ang kanyang sarili.

Nagpapasalamat naman si Oliver sa kanyang pinagtatrabahuhang delivery company dahil naging daan ito upang makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.

Ayon pa kay Oliver, kinakaya niya ang init at ulan na hinaharap nila sa pagdedeliver para makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo.

Aniya, “Salamat LALA dahil sa’yo naka MOVE ako para makagraduate. Mahirap [dahil] ulan at init ang kalaban pero lahat kinaya para sa pangarap makapagtapos ‘di tayo susuko (magkakasama) naman ulit tayo para makapag-Board exam ipon ulit.”

Pinasalamatan din ni Oliver ang mga taong nagbibigay ng ‘tip’ sa kanya tuwing siya ay nagdedeliver. Saad pa ni Oliver, binibigyan siya ng mga ito ng inspirasyon para magpatuloy sa kanyang trabaho.

“Salamat sa mga taong nagbigay ng tip sa kada biyahe at nagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy kaya LALAMOVE booking pa more,” ani Oliver

Umani naman ng paghanga mula sa netizens si Oliver dahil sa kanyang nakaka-antig na kwento ng pagsisikap bilang isang delivery rider.

Ang kanyang Facebook post ay umani na ng halost 20K reactions at higit 6K shares sa panahong isinusulat ang artikulong ito.