Viral ngayon sa social media ang abogadong si Noel Allen Bose pagkatapos niyang malugod na tanggapin ang isang bugkos ng alimangong bayad ng kanyang kliyente na walang perang pambayad para sa kanyang serbisyo.
Sa kanyang Facebook account, inupload ni Atty. Noel ang kanyang letrato na hawak ang ipinambayad ng kanyang kliyente na isang bugkos ng alimango.
Makikita sa letrato na nasa labas ng korte si Atty. Noel hawak ang kanyang attache case at isang bugkos ng alimango.
Credit: Noel Allan Bose Facebook
Kwento ni Atty. Noel, pagkatapos ng hearing ay inamin ng kanyang kliyente na wala silang perang pambayad. Nakiusap raw ang kliyente sa kanya kung maaaring tanggapin niya bilang bayad ang mga nahuli nilang alimango.
Ani Atty. Noel, “Pagkatapos ng isang hearing sa malayong k0rte.
Client: “Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sainyo?”
Walang pag-aalinlangan namang tinanggap ni Atty. Noel ang bayad na alimango ng kanyang kliyente. Sabi umano niya, “Aba, okay lang sakin.’ Client hands over their catch.
Credit: Noel Allan Bose Facebook
Client: “Salamat po Atty!”
Aminado naman si Atty. Noel na nakakataba ng puso ang mga natanggap niyang positibong komento at reaksyon mula sa netizens sa kanyang post. Saad ni Atty. Noel, “Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Maraming salamat po!”
Samantala, binigyang-pugay din ni Atty. Noel ang mga kapwa niya abogado na masisipag at tapat umano sa kanilang pangakong tumulong sa mga Pilipino. Ani Atty. Noel, “Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino.”
Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa higit 100K ang nakuhang reactions at 30K shares ng Facebook post ni Atty. Noel. Narito naman ang ilang komento ng netizens na humanga sa kabaitan ni Atty. Noel.
“Thank You for your kindness sir! Kudos! 💯”
“Nakakaproud ka naman sir.. Pagpalain lalo sana kayo ni Lord. God bless sainyo sir 🙏🏻”
“Ang galing nyo po. Thank you may tao pang katulad nyo. Marangal na buhay❤️”
“sana maraming Attorney pa ang marunong umintindi, tulad po ninyo..❤️🙏”
“Salute to you, Atty! Nawa’y dumami pa ang mga katulad mo!”