Minamaliit na waiter noon, may-ari na ngayon ng isang catering business!

Ika nga nila, ang buhay ay parang gulong ng palad. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili tayo sa kasalukuyan nating kinatatayuan pero ang kasabihang ito ay walang kabuluhan kung hindi ito sinasabayan ng sipag at tiyaga. Katulad na lamang ni Dario Lorenzo na nagsumikap talaga sa buhay upang makamit ang maginhawang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Hindi na bago para sa karamihan sa atin ang mga kuwento tungkol sa “self-made businessmen” pero kakaiba pa rin talaga ang paghanga na nararamdaman natin sa tuwing nakakarinig ng panibago marahil ay sa magkakaiba nilang experiences sa buhay bago nakamit ang sarili nilang tagumpay. Tulad na lamang ni Dario Lorenzo na nagsimula bilang janitor, naging waiter bago naging owner ng isang catering business!

Sa recent na episode ng KMJS, featured ang awe-inspiring na kuwento ni Dario na anak ng isang magsasaka mula sa La Paz, Tarlac. Dulot ng matinding kahirapan, hindi siya nakapagtagpos ng pag-aaral kaya lakas-loob siyang nakipagsapalaran sa Manila kung saan ay nagtrabaho siya bilang janitor na kumikita ng 2,000 pesos buwan-buwan. Hindi nagtagal, sinubukan niyang maging waiter, isang trabaho na aminado siyang wala siyang kaalam-alam kaya malaking adjustment umano ito para sa kanya.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

“Wala akong alam. Kahit na pagbuhos ng tubig, paghawak-hawak ng pitsel, pag-ipit ng tinapay, paghawak ng plato. Mahirap kasi nakatayo ka palagi. Hindi ka pwedeng nakaupo hangga’t may tao,” pagbabalik-tanaw ni Dario sa mga panahong waiter pa lamang siya.

Kahit na’y mahirap, hindi kailanman sumuko si Dario at ipinagpatuloy ang trabaho bilang isang waiter. Matagumpay naman niya itong naipagpatuloy dahil sa determinasyon niyang maabot ang kanyang mga pangarap para sa sarili at para sa kanyang pamilya na umaasa sa kanya.

Hindi nagtagal, nabigyan ng malakin;g opportunity si Dario na magtrabaho sa Abu Dhabi at ang noo’y 7,000 niyang kita kada buwan ay naging triple pa, dahilan kung bakit nakapag-ipon siya ng sapat sa loob ng limang taon na ginamit niya sa pagpapatayo ng sariling negosyo sa Pinas.

Sa tagumpay ng kanyang catering business ay nabigyan ni Dario ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya. Bukod nito, nagawa rin niyang maka-purchase ng iba’t-ibang properties.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Lumaki man sa kahirapan, hindi naman ito hinayaan ni Dario Lorenzo na maging hadlang sa pag-abot niya sa kanyang mga pangarap sa buhay. Sa kanyang pagsusumikap, matagumpay niyang naisakatuparan ang noo’y simpleng kahilingan.

Tunay nga na walang imposible para sa isang determinadong dreamer!