Lahat naman tayo ay may pangarap pero iilan lamang sa atin ang nakakapagsakapaturan ng mga ito dahil hindi naman kasi ito simpleng hinihiling dahil kinakailangan din itong samahan ng sipag at tiyag upang maisakatotohanan.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Mahirap talaga sa umpisa lalong-lalo na sa pagnenegosyo dahil hindi naman kasi agad-agad itong pumapatok sa mga mamimimili pero hanggang may isang bumibili ng ating mga produkto ay huwag na huwag talaga tayong mawalan ng pag-asa na lalago rin ang ating business.
Simula nang nadiskubre ng karamihan na maaari na palang magbenta online, marami talaga ang sumubok nito at isa na nga sa kanila ay ang mag-asawang si Macy at Mel Lualhati na bumibili ng RTW na mga damit sa tiangge at ibinebenta online kung saan ay dinadagdagan o dinodoble nila ang presyo ng mga ito.
“”Habang nagtatrabaho kami sa bangko, tuwing Monday ‘pag nagtia-tiangge kami ni Macy, bumibili kami ng mga damit na kanyang mino-model na nagkakahalaga ng 100 pesos and ibebenta po namin ‘to ng 150 o minsan, doble pa,”” sabi ni Mel.
Sa kanilang pagre-resell ng mga RTW, nakaipon umano sila ng 100, 000 pesos na ginamit nila upang makabili ng makinang panahi hanggang sila na mismo ang gumagawa ng ibinentang mga damit pero sa pagdating ng p@ndemic, labis umano na naapektuhan ang kanilang negosyo, tumumal ang kanilang benta, at kinailangan din nilang magtanggal ng mga trabahador.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Imbes na panghinaan ng loob, mas pinili naman ng couple na gumawa pa ng mga damit na pasok na pasok sa hilig ng karamihan ngayon katulad na lamang ng terno na mga top at pants.
Ayon kay Macy, sinubukan lamang umano niyang manahi ng terno na tops, shorts, at pants tsaka ibinenta online pero hindi naman niya inakalang magki-click ito hanggang tuluyan na nga na nag-boom ang kanilang business.
Kung noon ay kakarampot lamang ang kanilang kinikita, ngayon naman ay umaabot na ng 300,000 hanggang 400, 000 ang kanilang kinikita buwan-buwan at nakapagpatayo na rin sila ng kanilang “”dream house,”” nakabili ng mga motorsiklo, at mga sasakyan. Bukod sa mga ito, mayroon na rin silang sariling patahian.
Credit: GMA Public Affairs YouTube
Tunay nga namang nakakapanghina ang pagdating ng p@ndemya lalong-lalo na para sa owners ng maliliit na business pero imbes na mawalan ng pag-asa na makakabangon silang muli, minabuti naman ni Macy at Mel Lualhati na huwag isuko ang kanilang pangarap hanggang tuluyan nga na lumago ang kanilang negosyo.