Marami sa atin ang nahihilig sa pag-aalaga ng mga aso. Sa katunayan, ang ilan sa atin ay kapamilya na ang turing sa kanilang mga alagang aso.

Katulad na lamang ni Erriel Saplala, isang netizen na itinuturing na bilang kanyang sariling anak ang kanyang alagang aso na si Larkin. Si Larkin ay isang limang taong gulang na aso at may breed na Dachshund.
Kamakailan lamang ay nag-viral ang Facebook post ni Erriel kung saan ay ibinahagi niya ang ilang nakakatuwa at cute pictures ng kanyang alagang aso suot ang damit niya noong araw ng kanyang binyag.

Ayon kay Erriel, bilin ng kanyang ina sa kanya na itago ang kanyang damit na sinuot niya sa araw ng kanyang binyag para kapag dumating na umano ang araw na mayroon na siyang sariling anak ay maipagamit niya ang mga ito.
“Sabi noon ni mama saakin itago ko daw yuung damit na ginamit ko noong bininyagan ako para magamit pa ng magiging anak ko,” ani Erriel.
Sinunod nga ni Erriel ang sinabi ng kanyang ina sa kanya. Para kay Erriel, anak na niya si Larkin kaya naman ipinasuot niya rito ang damit na sinuot niya sa kanyang binyag.

Ani Erriel, “Kaya hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito! Ngayon na isa na akong ina, gusto ko sundin ang sinabi ni mama saakin.”
Dagdag ni Erriel, “Ang sarap sa pakiramdam na makita ko ang aking anak na suot ang dati kong damit.”
Kinaaliwan naman ng maraming netizens ang pagsuot ng nasabing alagang aso sa damit ng kanyang amo noong binyag nito.

Sa panahong isinusulat ito, umabot na sa mahigit 100K ang nakuhang shares ng Facebook post ni Erriel. Habang 77K naman ang nag-react sa kanyang post.
Narito naman ang ilang komento ng netizens na naka-relate sa pagiging “fur parent” ni Erriel.

“Ang cute naman po ng anak nyo..Wag nyo po yann pagalain sa labas baka po madampot.”
“Ang cute nung anak nya kamukhang kamukha niya nung baby siya”
“Ang cuteee!!”

“Pampa good vibes talaga”
“ang cute sobra”