Naghatid ng good vibes ang isang 5-year-old na bata dahil sa kanyang ginawang nakakaaliw na ‘house tour’

Good vibes ang hatid ng isang 5-year-old aspiring vlogger mula sa Malasiqui, Pangasinan matapos siyang magsagawa ng isang “house tour” vlog.

Credit: Jury Andrade Facebook   

Sa video na inupload ni Jury Andrade sa kanyang Facebook account, ay mapapanood ang nakakaaliw na house tour ni Sasha Andrade.

Suot ang headset ng kanyang amang isang call center agent masayang ipinasyal ni Sasha ang kanyang mga subscriber sa kanilang bahay.

Sa house tour vlog, ay unang ipinakita ni Sasha ang kanilang napakalawak na bakuran na ayon sa kanya, ay nagsisilbi niyang playground.

Ibinahagi rin ni Sasha ang sariling nilang volleyball net.

Credit: Jury Andrade Facebook

Sunod na itinampok ni Sasha ang kanilang duck pond.

Sa huli, ay ipinakita ni Sasha ang mga alagang halaman ng kanyang mommy at daddy.

Ngunit maliban sa kanyang nakakaaliw na house tour ay nakaagaw din sa atensyon ng netizens ang wikang ginamit ni Sasha sa pagva-vlog.

Kahanga-hanga kasi ang pagiging matatas o “fluent” ng pagsasalita ni Sasha sa wikang Ingles.
Hindi mo aakalain na sa kanyang murang edad ay napakagaling na nitong magsalita sa isang banyagang wika.

Marahil dahil sa uri ng trabaho ng kanyang ama ay maagang naturuan si Sasha ng wikang Ingles.
Sa caption ng video, ay ikwenento ng kanyang amang si Jury Andrade na madalas daw talagang hiramin ni Sasha ang cellphone niya para mag-vlog.

Credit: Jury Andrade Facebook

Ayon pa sa kanyang ama, limang araw pa lang daw na nagva-vlog si Sasha pero nakagawa na ito ng iba’t ibang klaseng video na itinatampok niya sa kanyang YouTube channel.

Kabilang sa mga video na mapapanood sa kanyang sariling YouTube channel na “Sasha Daily” ay baking vlog, house tour vlog at ang kanyang “Sasha Daily” vlogs.

Credit: Jury Andrade Facebook

Sa panahon na isinusulat ito ay mayroon ng mahigit 1K subscribers si Sasha sa kanyang YouTube channel.

Viral din ang kanyang house tour vlog na sa kasalukuyan ay umabot na sa 1 milyon ang views.

Samantala, umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang house tour vlog ni Sasha. Komento ng netizens:

Credit: Jury Andrade Facebook

“so cute and adorable. Grabe mga bata ngayon, nosebl3ed hahaha. Yun accent malamang naririnig sa daddy niya or sa panonood sa youtube. Saklap lang kapag nag aral na hirap sa Filipino subject.”

“Cute! Naririnig ko boses ni Dora. So adorable! 🥰😊”

“Im reminded of Dora the Explorer.Galing galing naman ng bata pati accent niya.God bless little kiddo.”

“How i wish i’m gonna be fluent in english like yours little girl. So adorable.”