Nagviral na 9-year-old vlogger dahil sa pagcelebrate sa kanyang 2 subscribers sa YouTube, lumobo sa mahigit 150K ang subscribers sa loob lamang ng 24 oras

Pinahanga ng siyam na taong gulang na aspiring vlogger mula sa Bacolod City na si Mary Grace Escober ang netizens dahil sa magandang asal na ipinakita niya. Sa kanyang murang edad kasi ay pinatunayan ni Mary Grace na gaano man kaliit ang mga biyayang ating natatanggap ay karapat-dapat pa rin nating itong ipagdiwang at ipagpasalamat.

Credit: Mary Grace Escober Facebook          

Matatandaang nitong October 11, ay nag-viral ang post ni Mary Jane matapos niyang ipagdiwang ang pagkakaroon niya ng dalawang subscriber sa YouTube. Sa kanyang Facebook account ay nag-post si Mary Grace ng isang larawan kung saan makikita ang hinanda niyang maliit na cake na may nakalagay na “2 Sub”.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Sa larawan ay makikita sa mukha ng bata ang hindi maitago niyang saya kahit dalawang tao pa lang ang nagsu-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Caption ni Mary Grace sa kanyang FB post, “Happy 2 subscriber”

Credit: Mary Jane Escober Facebook

Kagaya ng isang magandang balita ay agad na kumalat sa social media ang larawan ng ginawang selebrasyon ni Mary Grace. Nang makita ito ng netizens ay maraming natuwa sa ipinakita niyang magandang pag-uugali. Komento ng netizens:

Credit: Mary Grace Escober Facebook

“Pag pa tuloy mo yan para makatulong ka sa pamilya mo aral ka ng mabuti ha be a good girl”

“Well deserved little one…Bless you”

“She know how to value small things”

Credit: Mary Grace Escober Facebook

“Dito makikita na kahit sa simpleng bagay , makontento at magpasalamat pa rin. Keep it up bbghurl! Godbless”

Matapos mag-viral ng kanyang post ay wala pang 24 oras ay agad na pumalo sa mahigit 100K subscribers ang subscriber ni Mary Grace.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Wala namang mapagsidlan ang kasiyahan ni Mary Grace dahil sa mabilis na pagdami ng mga subscriber niya.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Sa panayam ni Kapuso reporter Oscar Oida kay Mary Grace sa GMA news program na “24 Oras” nitong October 14, makikita ang batang vlogger na masayang-masaya sa paglobo ng kanyang mga subscriber.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Ani Mary Grace, “Sobrang saya ko po. Kasi ang dami na nagsu-support at nagpapasaya sa akin.”

May mensahe naman si Mary Grace sa kanyang mga tagahanga. Aniya, “Hi fans! Walang imposible po basta mangangarap lang po.”

Credit: Mary Grace Escober YouTube

Sa panahon na isinusulat ito ay mayroon ng 206K subscribers si Mary Grace sa kanyang YouTube channel.