Matinding kahirapan ang madalas na dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nauuwi na lamang sa pamamalimos sa kalye upang may pambili sila ng pagkain o maging ng gamot. At nakakalungkot man na sabihin ngunit karaniwang mga bata ang nakikita nating namamalimos sa lansangan.
Tulad na lamang ng nag-viral kamakailan lamang sa social media na magkapatid na sina Aldin at Santino. Dahil sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Pearl Jhene David kaya naman umabot sa atensyon ng maraming netizens ang nakakaawang sitwasyon ng magkapatid.
Talaga namang nakakalungkot tingnan ang sitwasyon ng magkapatid na makikita sa mga larawang ibinahagi ni Pearl Jhene.
Nakaupo lamang sa gilid ng isang hagdan si Aldin habang ang kanyang bunsong kapatid naman na si Santino ay mahimbing na natutulog sa malamig na semento ng hagdan. Kapansin-pansin din ang suot na plastik ng mga bata na nag-iisang proteksyon nila sa kanilang katawan habang namamalimos sa daan.
Credit: Pearl Jhene David Facebook
Ayon sa kwento ni Pearl Jhene, nakita niya ang magkapatid na namamalimos sa SM/Robinsons Starmills sa San Matias, San Fernando sa Pampanga.
Nang tanungin ni Pearl Jhene si Aldin kung bakit sila namamalimos, ibinahagi nitong kailangan nila ng pera upang may pambili sila ng gamot para sa kanyang kapatid na si Santino na may sak!t umanong UTI o Urinary Tract Infection.
Batay naman sa kwento ni Aldin, kaya hindi nila kasama ang kanilang ina ay dahil nangangalakal pa umano ito.
Ibinahagi naman ni Pearl Jhene na halos madur0g ang kanyang puso dahil sa sitwasyon ng magkapatid. Nang lapitan umano niya kasi ang mga ito ay napag-alaman niyang nilal@gnat at nanginginig sa lamig si Santino habang mahimbing na natutulog.
Credit: Pearl Jhene David Facebook
Ayon pa kay Pearl Jhene, halos hindi na umano makabangon si Santino dahil bukod sa l@gnat ay nanghihina din ito dahil sa gutom.
Sinabi naman ni Pearl Jhene sa kanyang post na binigyan niya ng pera ang magkapatid. Iniwan din ni Pearl Jhene ang kanyang cellphone number para kung sakaling makahanap siya ng ibang paraan upang matulungan ang magkapatid ay ma-contact niya ang mga ito.
Gayunpaman, aminado si Pearl Jhene na hindi sapat ang naibigay niyang tulong sa magkapatid. Kaya naman naisip ni Pearl Jhene na i-post sa social media ang nakakaawang sitwasyon ng magkapatid sa pag-asang matulungan pa ang mga ito ng maraming tao.