Nakakantig na kuwento ng isang kasambahay na isa nang pharmacist ngayon, inspirasyon sa karamihan!

Kahit gaano man kahirap, may namamana pa rin ang mga anak mula sa kanilang mga magulang. Kung akala ng karamihan sa atin na tanging pera at yaman lamang ang namamana, pinatunayan naman ng mga taong nanggaling sa hirap na hindi lamang materyal na mga bagay ang naipapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak kung hindi ay ang talino, dedikasyon sa buhay at sa aspeto ng edukasyon.

Credit: GMA News YouTube

Hindi lahat sa atin ay mapalad na lumaki sa maganda at mayamang pamilya. Kung may iilan na nakaka-afford ng tuition, may iilan naman na kailangan pang kumayod sa buhay upang mapag-aral at mapagtapos ang sarili katulad na lamang ni Joanna Griño na nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Sorsogon.

Marahil ay marami na tayong nalalaman at naririnig na mga kuwentong umiikot sa isang mahirap na tao na nagsumikap sa buhay hanggang maabot nito ang lahat ng kanyang mga pangarap at ma-achieve ang inaasam na kaginhawaan sa buhay ngunit patuloy pa rin nila tayong napapabilib dahil tunay nga naman kasi silang nakaka-inspire!

Ayon kay Joanna, hindi talaga afford ng kanyang mga magulang ang pag-aaral niya kaya katulad ng kanyang nakatatandang kapatid, nakipagsapalaran umano siya sa Maynila.

Credit: GMA News YouTube

“Sabi ko kila Ate, ‘Ate pwede ba akong pumunta diyan sa Maynila kahit ano lang ‘yung trabaho?’ Kasi alam ko po na wala akong future doon,” pahayag ni Joanna.

Upang matustusan ang kanyang pag-aaral, namasukan bilang isang kasambahay si Joanna. Sagot umano ng kanyang amo ang bahay at pagkain niya sa araw-araw habang ang kanyang Ate naman ang sponsor niya sa kanyang tuition.

Hindi madali para kay Joanna na pagsabayin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at pagtatrabaho bilang isang kasambahay kaya talagang super determinado siya na makapagtapos kaya ngayong isa nang ganap na pharmacist, talagang abot-langit ang kasiyahan at satisfaction na nararamdaman niya ngayon dahil kung babalikan ang nakaraan, hindi talaga biro ang lahat ng kanyang pinagdaanan.

Credit: GMA News YouTube

“Hindi habang buhay ganito ‘yung sitwasyon ko. Kumbaga po kahit sobrang hirap, gagawin ko at gagawa ako ng paraan para ma-push ‘yung pangarap at natupad ko naman po. Pharmacist na po ako ngayon,” saad ni Joanna.

Isa lamang ang kuwento ni Joanna sa milyon-milyong mga tao na nagtagumpay sa buhay dahil sa pagsusumikap nilang makapagtapos sa pag-aaral kahit na’y nanggaling sa mahirap na pamilya. Hindi man naging madali ang kanyang journey, worth it naman ang lahat ng pagod ni Joanna dahil ngayon, nasungkit na niya ang kanyang pangarap at ito ay maging isang ganap na pharmacist!