Nakakatawang eksena sa binyag kung saan nakipag-high five ang baby sa pari, trending ngayon!

Sino ba naman ang mag-aakala na ang sana’y solemn na binyag ay mapupunta sa katatawanan dahil sa innocence ng isang baby? Talagang kakaiba ang kasiyahang nabibigay ng mga bata dahil kahit na’y walang kamuwang-muwang, effortless pa rin nila tayong napapatawa.

Wala talagang pinipiling lugar o klase ng event ang kakulitan ng mga bata dahil kahit nasa loob man ng simbahan at binibinyagan, hindi nito napigilan ang pagiging pilyo ng isang baby.

Sa video na ibinahagi ni Alyanah Jane Desiata Coscos sa Tiktok kumakailan lamang, mapapanood ang isang baby girl na si Zaggy na kinakarga ng kanyang Mommy at kasalukuyang binibinyagan ngunit imbes na matapos ng tahimik, nauwi ito sa katatawanan nang bigla na lamang nakipag-high five ang baby sa pari sa pag-aakalang ito ang purpose sa nakataas nitong kamay.

@aalyanah03 Welcome to the Christian World cutie zaggy 😘Hahaha ara ka bugay 😂 #babyoftiktok #fyp #fypシ #funnybaby #cute #baby ♬ Funny Laugh no no no – Sound Effect

Hindi pa rito natatapos ang pagiging pilya ni baby Zaggy dahil ginaya rin niya ang pari at itinaas din ang dalawa niyang kamay sa ere. Dahil sa nakakatawang gesture ng baby, labis ang pagpipigil ng kanyang Mommy sa pagtawa.

“Welcome to the Christian World cutie zaggy 😘Hahaha ara ka bugay 😂,” sulat ni Alyanah Coscos sa caption.

Dahil sa kakulitan ni baby Zaggy habang binibinyagan, naaliw ang netizens at nagpahayag ng kanilang mga soloobin sa comment section ng mismong video.

“your soooo cuuuuttteeeee baby girl🥰🥰🥰🥰🥰🥰”

“High five ky father bby verygood🥰🥰”

“hehhh good jobs baby u so bright”

“Hahahahah super cute🤣🤣🤣”

“umapir sa pari eh HAHAHAHA”

“😅☺😇made my day🥺😅”

“hahaa 😂😂😂 ang kulit ang cute”

Matapos ibinahagi ni Alyanah Coscos sa Tiktok ang nakaka-good vibes na video na ito ni baby Zaggy habang binibinyagan, humakot na ito ng lagpas 6 milyong views at 731.6K likes.

Kahit na’y wala mang kamuwang-muwang sa mga pangyayari at sa mga ginagawa, effortless talaga tayong napapasaya at napapatawa ng mga bata. Kahit nasaan man, wala talagang makakapigil sa kakulitan at pilya moments ng mga baby katulad na lamang ni baby Zaggy na viral ngayon sa social media dahil sa pag-high five at paggaya niya sa nakataas na kamay ng pari habang siya’y binibinyagan.