Olympic skater na si Margielyn Didal, namigay ng pagkain sa mga batang lansangan sa Cebu!

Isa sa mga nagningning sa katatapos lamang na Tokyo Olympics 2020 ay ang pambato ng Pilipinas sa women’s skateboarding competition na si Margielyn Didal.

Credit: Margielyn Didal YouTube

Hindi man pinalad na maiuwi ang gintong medalya sa kumpetisyon, umani naman ng maraming pagkilala at paghanga mula sa iba’t ibang bansa ang ipinakitang sportsmanship at positive vibe ni Margielyn sa palaro.

Ngunit hindi natatapos sa Olympics ang pagiging mabuti at masayahin ni Margielyn dahil kamakailan lamang ay inilunsad niya ang isang programa kung saan layunin nitong makatulong sa maraming street kids at homeless sa kanyang hometown sa Cebu City.

Credit: Margielyn Didal YouTube

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Margielyn ang kanyang sinimulang charity work na tinawag niyang “The Margie 01.”

Kalakip ng Instagram post ni Margielyn ay isang teaser video na nagpapakita ng pamimigay niya ng pack lunch sa mga batang nasa lansangan at maging sa mga taong walang tahanan.

Credit: Margielyn Didal YouTube

Sa nasabing post, pinasalamatan ni Margielyn ang kanyang ina, kasintahan at mga kaibigan sa pagtulong sa kanya na maihanda ang mga pagkain na ibibigay nila sa mga batang lansangan.

“The Margie Program 01 (teaser) is out Link in my bio Big thanks to my mom for cooking, to my gf and friends (Insomy Crew) for helping,” sulat ni Margielyn sa kanyang post.

Matatandaang kamakailan lamang nang sumabak sa isang online live selling si Margielyn kung saan ay ibenenta niya ang mga pagmamay-ari niyang damit.

Ayon kay Margielyn, ang perang malilikom niya mula sa kanyang pagbebenta ay mapupunta sa kanyang feeding program.

Credit: Margielyn Didal YouTube

Samantala, maraming tagahanga ang pumuri at bumati kay Margielyn dahil sa tagumpay ng kanyang programa na matulungan ang mga tao lalo na ang mga street-dweller.

Narito ang ilang komento ng netizens sa post ni Margielyn:

“God bless you margieee kitang kita ang saya sa mga taong nabigyan mo”

Credit: Margielyn Didal YouTube

“congratulations you didn’t win the olympics anymore and you’re a winner”

“You are an awesome ball of positivity”

“Great job idol! Stay humble and keep your love to cebuano more and more! God blessyou!”

Credit: Margielyn Didal YouTube

“Napaka bait! More blessings to you, skateboarding idol!”