Maraming Pinoy ang dumidiskarte ngayon sa buhay sa pamamagitan ng pag-oonline live selling. Isa nga rito si Daisy Cabantog o mas kilala ngayon ng maraming netizens bilang si “Madam Inutz,” na nagtitinda online ng mga ukay-ukay.
Credit: @jayvee.ocampo Facebook
Trending at kinaaliwan sa social media si Daisy dahil sa kanyang nakaka-good vibes na live selling. Kabilang dito ang kanyang viral video kung saan ay nagbebenta siya ng isang puting damit na pasok umanong maging damit pamburol.
Naghatid ng katatawanan sa maraming netizens ang video kung saan ang ginamit pang “code” ni Daisy para sa mga gustong “i-mine” ang nasabing damit ay “Kaba0ng.”
Nagbiro pa si Daisy at iginiit sa mga nanonood ng kanyang live selling na dapat maging ang kanilang susuotin sa kanilang bur0l ay dapat pinaghahandaan.
Credit: @jayvee.ocampo Facebook
Kumakalat na rin ngayon sa social media ang litrato ni Daisy kung saan nagpanggap siyang p@tay habang suot ang nasabing damit.
Dahil naman sa kwelang pamamaraan ng pagtitinda ni Daisy, kaya maging ang mga walang balak na bumili ng kanyang mga paninda ay nakikinood na rin sa kanyang live selling video.
Sa katunayan, umabot pa ng halos 200,000 ang viewers ng isang live selling video ni Daisy ngunit wala man lang bumibili sa mga ito. Puro nagpapabati o nagpapa-shoutout lamang kasi ang mga nanonood ng kanyang live. Dahil dito, hindi na mapigilan ni Daisy na tawagin ang kanyang viewers na hindi naman nagma-mine na mga “inut!l.”
Gayunpaman, hindi maikakailang pumatok sa marami ang kwelang paraan ng pagbebenta ni Daisy at marami siyang napapasayang tao.
Credit: @jayvee.ocampo Facebook
Umani rin ng maraming komento mula sa netizens si Daisy dahil sa nakakaaliw niyang pagtitinda.
Komento ng netizens:
“Kaya pala dami tambay kasi nakakawala ng stress”
“Madam nakakatuwa ka subra itong l0ckdown nawala boring ko”
Credit: @jayvee.ocampo Facebook
“galing ni miss Daisy Lopez magpatawa, ganda ng style”
“Thank you madam inutzzz dami mo nman napasaya today. Aliw na aliw lahat”
Samantala, naging daan naman ang kwelang personalidad at nakakaaliw na pagtitinda ni Daisy para mapansin siya ng ilang talent agency.
Credit: @jayvee.ocampo Facebook
Pagkatapos kasing mag-viral ni Daisy, kaagad siyang kinontact ng talent agency na Star Image Artist Management.
Sa Facebook page naman ng nasabing talent agency, inanunsyo nilang pumirma na si Daisy ng kontrata sa kanila at sila na ang mangangalaga rito.